^

Pang Movies

Solo movie ni Alex, nagkakagulo ang may-ari ng kuwento

Veronica Samio - Pang-masa
Solo movie ni Alex, nagkakagulo ang may-ari ng kuwento
Alex Gonzaga

MANILA, Philippines — Marami ang nagugulat na malaman na isa nang ganap na direktor sa pelikula ang dating Pinoy Big Brother housemate na si Fifth Solomon. Siya ‘yung isa sa kambal na sabay na pumasok sa reality show at umaming isang bisexual.

Kinuha siya ng Wilbros Film at pinagkatiwalaang idirek ang pelikulang Nakalimutan Ko Nang Kalimutan Ka na nagtatampok kay Alex Gonzaga.

Bago ito ay nagkaro’n ng kaguluhan sa pelikula dahil ang kuwento na sinasabing pag-aari ng bagong direktor ay inaangkin ng isang Allen Tolosa na isang spoken poetry o tula niya. Hiniram lamang daw ito ni Fifth sa kanya kapalit ng credit na ibibigay nito sa kanya sa movie at TF.

Sa halip tumanggap siya ng pasabi na hindi na magagamit ang sinulat niya. Laking gulat at pagtataka rin niya na may teaser itong lumalabas na at ang orihinal na titulo ng tula ang ginamit, walang iniba.

Wala pang pahayag tungkol dito si Fifth o ang bidang si Alex Gonzaga pero, palabas na ito bukas.

Marlo sinusuwerte

Paano mo iisiping magtatapos na ang Ang Probinsyano kung ganyang patuloy at walang patid ang pagpasok ng mga artista bilang bagong guest?

Kapapanood pa lamang kay CJ Ramos at hindi pa nagtatagal ang guesting nina Roderick Paulate at Carmi Martin pero, heto, at nakatakda nang pumasok sina Marlo Mortel at Sue Ramirez.

Naunsyami pa ang inaasahan ng manonood na si Jessy Mendiola na ang bagong love interest ni Coco Martin dahil nagkabalikan sila ng character ni Yassi Presman kaya, itsapwera na si Jessy.

Mukhang nagsisimula nang maramdaman ang swerte ni Marlo Mortel. Bukod kasi sa nakikita siya Lunes hanggang Biyernes sa Umagang Kay Ganda, napasama pa siya sa AP. May movie rin siyang ginagawa at kinuha na ng Star Records para mag-record sa kanila. Bago mag-Pasko ay baka na-release na ito at makakasabay pa sa Metro Manila Film Festival 2018 movie na sasamahan niya.

Vice na-shock sa pinaggagawa ni Roxanne

Marami ang nagulat at mayro’n ding na-turned off kay Roxanne Barcelo nang mag-guest ito kasama si Natalie Hart sa Gandang Gabi Vice. Kakaiba siya sa nakilalang simple at mahinhin na guro sa isang children’s show. Maski nung luminya na siya sa mga bold movies at nagpa-sexy ay hindi pa rin naman niya binago ng tuluyan ang kanyang personalidad.

Until tumanggap siya ng kontrabida roles na kung saan lumabas ang tunay niyang galing sa pag-arte.

Obvious na nanibago sa kanya si Vice Ganda sa kanyang parang sinanibang kilos. Kung bunga ‘yun ng paghihiwalay nila ng kanyang ex na sinabi niyang matagal nang nangyari pero, alam ng lahat ay recently lamang, idinaan na lamang ng host ng programa at maging ng kasama niyang nag-guest sa pagwawalang-bahala.

Star Awards for Music naglabas na ng nominees

Pormal nang inilabas ng Philippine Movie Press Club (PMPC) ang mga nominado para sa 9th and 10th Star Awards For Music, tatawagin itong A Decade Of OPM Excellence bilang pagbibigay-pugay sa isang dekadang paghahandog ng karangalan sa mga natatanging alagad ng musika.

At sa selebrasyon ng isang dekadang pagkilala sa mga mahuhusay na musikero, sabay na gaganapin ang 9th (2017) at 10th (2018) Star Awards For Music, sa ika-9 ng Setyembre, 2018 sa Newport Performing Arts Theatre, Resorts World Manila.  

Inihahandog ito ng pamunuan at mga myembro ng PMPC, sa produksyon ng Airtime Marketing Philippines ni Ms. Tess Celestino-Howard at direksyon ni Bert de Leon.                                                                                  

vuukle comment

ALEX GONZAGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with