^

Pang Movies

Relate na relate, Jennylyn pinahahanap ang batang ginulpi ng madrasta

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Relate na relate, Jennylyn pinahahanap ang batang ginulpi ng madrasta
Jennylyn Mercado

May ginintuang puso talaga ang Ultimate Star na si Jennylyn Mercado dahil nais niyang tulungan ang isang bata na kelan lang ay nag-viral ang video dahil sa ginawang pambubugbog dito ng kanyang stepmother.

Sa news program na 24 Oras napanood ni Jennylyn ang naturang bata at agad niyang inalam kung saan puwedeng makontak ang mga nag-aalaga na sa bata ngayon.

Sa official Facebook fan page ni Jennylyn pinost ng kanyang administrator ang panawagan ng aktres dahil nais nitong tulungan ang naturang bata.

“Can anyone inform us how we can reach out to this poor girl? Jennylyn Mercado experienced child battery when she was barely 3. Jennylyn survived because her Mommy Lydia saved her from further physical, spiritual and emotional abuse. Jennylyn would like to extend her support to this girl. Please let us know,” ayon pa sa post.

Sobrang nakaka-relate si Jennylyn sa bata dahil nangyari rin sa kanya iyon.

Drama actress nakiki-ride sa P.A ng kapwa aktres

Matagal na palang nagtitimpi ang drama actress na ito sa kanyang co-star na abusadang ginagamit ang kanyang personal assistant.

Minsan lang daw pumayag si Drama Actress A (DAA) na ipagamit sa taping nila ang P.A. niya kay Drama Actress B (DAB) dahil nilayasan daw ito ng alalay niya. Pero napansin ni DAA ay tuwing nasa taping sila ay panay pa rin ang utos nito sa P.A. niya kahit na alam niyang may pinapagawa siya rito.

At ang nakakalokah pa raw kay DAB ay wala man lang “paki” or “please” kapag may inuutos ito sa P.A.

“Naku mabuti na lang mabait ‘yang si DAA. Hindi naman palautos ang babaeng ‘yan. Kailangan lang niya ng alalay para ayusin at bantayan ang mga gamit niya. Mas inaasikaso pa nga niya yung P.A. niya lalo pagdating sa pagkain.

“Pero itong abusadang si DAB, aba, nakakuha na ng libreng alalay, kung makautos pa akala mo suwelduhan niya ang alalay ni DAA,” kuwento sa amin ng isang source na close kay DAA.

Nagkuwento pa ang aming source ng isang example ng pagiging abusada ni DAB.

“Nalokah nga kami kasi nagpabili siya sa P.A. ni DAA ng pagkain sa isang fastfood restaurant. Eh ang layo sa location area namin ‘yung bibilhan na fastfood, eh wala namang sasakyan pala na dala itong si DAB at nakikisabay lang sa service van ng production. Kaya ang sasakyan ni DAA ang ginamit.

“Heto na ang nakakalokah, pagbalik ng P.A. at dala lahat ng pinabili ni DAB, hindi man lang niya binigyan ng pagkain ‘yung pobre. Kahit man lang french fries or isang hamburger, wala siyang inabot. At walang ‘thank you’ huh! Ang sabi pa ng bruha, ‘Ang tagal mo naman. Gutom na ako!’ Hindi ba nakakabuwiset ang ganyang mga tao?

“Hindi na ako magtataka kung bakit nilayasan ‘yan ng alalay niya. Bukod sa kuripot, bastos at abusada, hindi pa marunong magpasalamat.”

Noong makarating daw kay DAA ang ginawa ni DAB sa P.A. niya, cool lang daw ito at hindi niya ito kinompronta. Sa sumunod na taping day nila ay hindi na niya pinababa sa sasakyan ang P.A. niya. Noong hanapin ito ni DAB, sinabi na lang ni DAA na may pinaasikaso siya rito na mga importanteng lakad.

“Pero ang kapal pa rin ni DAB. Tanungin daw si DAA kung anong oras darating ang P.A. niya kasi may ipapabili raw siya.

“Sinagot na lang siya ni DAA ng: ‘May irerekomenda akong P.A. sa ‘yo para hindi mo na naaabala ang P.A. ko. Sayang naman ang sinusuweldo ko kung ikaw lang ang nakikinabang sa kanya, ‘di ba?

vuukle comment

JENNYLYN MERCADO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with