^

Pang Movies

Regine kontra sa pagtigil ni Anne sa pagko-concert

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Regine kontra sa pagtigil ni Anne sa pagko-concert
Regine Velasquez

Hinikayat ni Regine Velasquez si Anne Curtis na huwag nitong ituloy ang balak na pagtalikod sa concert scene dahil mahal na mahal pa rin siya ng mga tao.

Pinuri ni Regine ang pagiging total performer at entertainer ni Anne kahit consistent ito sa pagsasabi na sintunado siya at mali-mali ang dance steps.

Sinabi ni Regine kay Anne na hindi rin perfect ang pitch niya pero patuloy pa rin siya sa pagkanta.

Magaganda ang mga payo ni Regine at sana nga, magbago ang isip ni Anne dahil marami ang malulungkot kapag tinupad niya ang pangako na ang AnneKulit ang kanyang last concert.

Nagtagumpay... Showbiz personality pinilit umeksena sa concert ni Anne!

Nanood ng concert ni Anne Curtis ang isang showbiz personality na inakusahan na papansin dahil panay ang pagtayo niya mula sa kinauupuan habang hinihintay ng lahat ang pagsisimula ng concert.

Malisyosa ang audience ng Big Dome na binigyan ng ibang kahulugan ang drama ng showbiz personality. Ang feeling ng manonood, sinadya ng showbiz personality na tumayo nang tumayo dahil sa kanyang kagustuhan na mapansin ng mga tao ang presence niya.

True na nagtagumpay ang showbiz personality sa drama nito. Naramdaman naman ng audience ang kanyang presence pero nega lang dahil napagbintangan siya na super trying hard na mabigyan ng atensyon.

Anak ng batikang direktor na si Celso Ad... pumanaw na rin

Shocked ang mga artista ng movie remake ng Pata­yin Mo Sa Sindak Si Barbara dahil sa sudden death ng direktor na si Christopher Ad Castillo, ang anak ng batikang direktor na si Celso Ad Castillo na sumakabilang-buhay naman noong November 2012.

Bago naging direktor, dating artista si Chris at nagbida siya sa mga pelikula noong dekada ’80. Eventually, nag-decide siya na mag-migrate sa Amerika.

Sinusundan ni Chris ang yapak ng kanyang ama bilang direktor pero nagwakas ang mga pangarap niya nang bawian siya ng buhay noong August 18 sa St. Luke’s Medical Center sa Quezon City.

Ang uncle ni Chris na si John Ad Castillo ang nagkumpirma ng balita na namatay dahil sa cardiac arrest ang pamangkin niya.

Sinabi ni John na natapos na ang shooting ni Chris para sa isang movie project pero hindi niya nilinaw kung ang Patayin Mo Sa Sindak si Barbara ang pelikula na kanyang tinutukoy.

Parang may premonition si Chris tungkol sa mangyayari sa kanya dahil noong August 1, not feeling well ang pakiramdam niya kaya nag-post siya sa kanyang Facebook account ng statement na “ Severe flu and body aches with chills and my PM Soc Jose brought me meds and fruit to make sure I don’t die before I finish the film.”

Mariel at Nathalie apektado sa pagkamatay ni Direk Chris

Affected sina Mariel de Leon at Na­thalie Hart ng sudden demise ng direktor nila sa Patayin Mo sa Sindak si Barbara.

Bilib na bilib pa naman si Chris kina Mariel at Nathalie dahil mga propesyonal na artista ang dalawa.

Four months pregnant si Nathalie pero lahat ng mga mabibigat na eksena sa pelikula, walang karekla-reklamo na ginawa niya kaya saludo sa kanya si Chris.

US-based si Chris pero hindi pa naglalabas ng official statement ang pamilya niya tungkol sa burol at lamay para sa kanyang labi.

vuukle comment

REGINE VELASQUEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with