^

Pang Movies

Kiss Me, Kiss Me challenge ni Sarah, super trending!

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate - Pang-masa
Kiss Me, Kiss Me challenge ni Sarah, super trending!

Nakakatuwa ang pinauusong dance craze ngayon ni Sarah Geronimo mula sa official soundtrack ng pelikula nilang Miss Granny kasama sina James Reid at Xian Lim, ang kantang ito na Kiss Me, Kiss Me ay nagte-trend ngayon bilang isang challenge at parami na ng parami ang nakikiuso.

 

Pati mga tita at lola na suki sa mga zumba classes ay game na game na nakikiindak sa nasabing dance craze.

May hashtag pa ito na #KissMe­KissMeChallenge sa social media.

Maganda ang pelikula na ito lalung-lalo na para sa millennials, ang iba nga ay nangako pa na dadalhin nila sa mga sinehan ang kanilang mga nanay at lola para mapanood ito. Tiyak na mapapangiti sila rito at makakapag-reminisce ng maraming alaala  noong kapanahunan nila.

Ibinalik ni Sarah ang mga tugtugan noong 60’s to 80’s na hanggang ngayon naman ay pumapatok pa rin sa lahat, mapabata man o matanda.

Proud ang fans ni Sarah dahil kahit marami na ang gumawa sa South East Asia ng Miss Granny, tingin nila ay ang adap­tation ng ‘Pinas ang pinakamaganda.

Sa pagkanta pa lang ni Sarah ay parang dinadala ka na sa unang panahon, paano pa kaya kung napanood na ang buo nilang pelikula na tiyak na kapupulutan ng magandang aral.

vuukle comment

MISS GRANNY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with