^

Pang Movies

Heart may K sa libro ni Kevin Kwan

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Heart may K sa libro ni Kevin Kwan

Napanood namin ang isang video clip ng mismong author ng librong Crazy Rich Asians, si Kevin Kwan, at siya mismo ang nagsasabing ang aktres na si Heart Evangelista ang totoong “crazy rich Asian.” Tinawag pa niya si Heart na “a good actress and the darling of the Philippines”.

 

Kasama pa si Heart sa isang fashion show na kung saan ipino-promote niya ang kanyang libro.

Kaya nga siguro napilitang umamin si Heart na nagpadala rin siya ng audition video sa nasabing pelikula at pasok sana siya. Kasi nga siya ang gusto ni Kevin Kwan, pero hindi na siya tumuloy dahil sa rami rin naman ng kailangan niyang gawin dito sa atin. Alam ninyo ‘yang mga ganyang shooting sa abroad, kung wala ka rin namang malaking role talaga, maaari mo lang gawin kung ang artista ay jobless na talaga. Pero kung may gagawin ka rito, bakit ka naman gagawa ng ganoong role lamang.

Pero dahil daw doon, nagkakilala sina Heart at Kevin at naging magkaibigan sila. Kaya nagkita sila sa Paris, France at pinakiusapan siyang sumali sa fashion review doon.

Si Heart ay kasama rin sa mga binanggit ni Kevin Kwan sa isang article sa Harper’s Bazaar Magazine US Edition. Isipin ninyo kung gaano kalaking karangalan iyon, hindi lamang para kay Heart kung ‘di sa lahat sa atin. Kasi sinasabi ngang dito sa Asya ay may mga kababaihang maganda ang taste sa damit, at may kakayahang tumapat sa ibang mga kababaihan dahil sa kanilang magandang taste at may kaya sila. Para kay Kevin, ang tunay na example noon ay si Heart.

Hindi mo masasabing gawa-gawa lang iyan, kasi kalat naman sa internet ang video mismo ni Kevin Kwan na ganoon ang sinasabi. Imposible naman sigurong nai-dub ang video na iyon at ipinatong lang ang pangalan ni Heart. At saka talagang maganda naman si Heart.

The Hows… nina Daniel at Kathryn sure na dudumugin

Madaling araw na nang makita namin sa tele­bisyon ang trailer ng pelikula nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo. Ang eksena sa trailer, kung papaanong nangangarap ang dalawa sa kanilang magiging buhay kung dumating ang panahong sila ay mag-asawa na.

Cute ang eksenang iyon, at natuwa kami sa linya ni Daniel na “hindi ka na magtatrabaho dahil sa amin lang ng mga anak mo ubos na ang oras mo. Ayokong napapagod ang reyna ko”. Iyong mga ganyang eksena, basta nakita ‘yan ng fans tiyak kikiligin na.

Ang ganyang klaseng pelikula ang siguradong makakakuha ng suporta ng masa at kikita nang malaki. Huwag na kayong magtanga-tangahan sa pagsasabing hindi ninyo alam kung bakit may mga pelikulang hindi kumikita.

Bigyan mo ba naman ng aratilis ang gustong kumain ng matamis na mangga, palagay mo kaya kakagatin ka? 

Mga artistang sumisikat naiisip pang mag-droga

Nanghihinayang kami doon sa mga artistang sinasayang ang kanilang potentials, lalo na nga ang mga artistang kinakagat naman ng publiko. Ang daming mga artista ngayon, hindi naman lahat ay sumikat. Hindi lahat sisikat. Kaya kung sumikat ka na, aba kailangang mas magsikap ka pa para mapanatili ang popularidad mo. Hindi lang iyan para sa sarili mo kundi para sa industriya.

Kaya gusto naming batukan iyong sikat na nga, aba nagbibisyo pa ng droga. Sobra na iyan.

vuukle comment

HEART

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with