^

Pang Movies

Robin tuloy na sa senado sa 2019

YSTAR - Baby E - Pang-masa
Robin tuloy na sa senado sa 2019
Robin

Bago raw mag-eleksyon 2019, may bulung-bulungan na tiyak na raw ang pagtakbo ni Robin Padilla para maging senador. Sa totoo lang, may dugo naman talaga sila ng pulitiko. Ang tatay niyang si Roy Padilla Sr. at Junior ay dating go­ber­nador ng Camarines Norte. Ang lolo naman nitong si Carlos Padilla Sr. ay naging gobernador ng Bulacan Province.

 

Busy ngayon si Robin sa ta­ping niya ng Sana Dalawa Ang Puso kung saan kasama niya sina Ri­chard Yap at ang leading lady nilang si Jodi Sta. Maria.

Mawawala muna saglit si Robin sa nasabing serye dahil kailangan na niyang umalis at mag-shoot sa Marawi City para sa pelikula nila ni Piolo Pascual.

Kasama rin sa pelikula si Mylene Dizon. Spring Films ang nag-produced nito at mula rin sa produksyon ni Piolo, Direk Joyce Bernal at Cornerstone Talent Management head, Erickson Raymundo.

Sinabi ni Robin na talent lamang siya sa nasabing pelikula at hindi kasali sa mga producer.

Aiko sinugalan ni Mother Lily noon kahit flop ang first movie

Maraming magagandang alaala si Aiko Melendez kay Mother Lily na mag-80 na ngayong araw.

43 years old na ngayon si Aiko at isa siya sa mga tinaguriang Regal baby ni Mother Lily.

Naalala pa niya noon ang una niyang pelikula under Regal Films, ayaw na niyang banggitin pa ang title dahil flop raw ang nasabing pelikula pero itinuloy pa rin daw ni Mother Lily ang pagsugal sa career niya and the rest is history.

Pag nagpakasal si Aiko ngayon sa kanyang boyfriend na isang Mayor ng Zambales, ito na ang pangatlong beses niyang mag-aasawa.

Ang una niyang kasal ay sa fellow Regal baby niya na si Jomari Yllana na siyang ama ng anak niyang si Andre. Si Jomari ay councilor na ngayon ng Parañaque at may iba na ring partner na kapapanganak lang sa bunso niyang anak.

Si Marthena naman na ngayon ay 11 years old na ay anak niya sa chef na si Martin Jickain.

Inalok si Aiko na magbida sa isang pelikula pero tinanggihan niya ito dahil gusto niyang ipagpatuloy ang pag-aaral.

In demand pa rin si Aiko hanggang ngayon, kasama siya sa katatapos lang na seryeng Bagani na pinagbibidahan nina Liza Soberano at Enrique Gil.

Sam pakakasalan na ang next GF

Kapag nanligaw daw si Sam Milby, sisiguraduhin niyang ito na ang babaeng pakakasalan niya.

Hindi naging maganda ang hiwalayan nila ng kanyang former girlfriend na si Marie Jasmine, although sinabi naman niyang parehas nilang ginusto yun.

Ang una raw niyang seryosong relasyon ay kay Anne Curtis, pero pareho pa raw silang bata noon.

Ngayon ay kasal na si Anne sa chef and blogger na si Erwan Heussaff. Mag-iisang taon na silang kasal ngayong November.

Sa ngayon ay focused daw muna si Sam sa kanyang bagong series na Halik, na sa first week pa lamang ay umaariba na ang rating.

Halik, produced by Ruel S. Bayani’s unit, co-stars Sam with Jericho Rosales, Yen Santos at Yam Concepcion, mula sa direksyon nina Cathy Camarillo at Carlos Po Artillaga.

vuukle comment

ROBIN PADILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with