^

Pang Movies

Pag-angal ng mga artista sa MMDA, tumalab!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Natuwa ang lahat sa pasya ng MMDA na suspendihin ang full implementation ng driver only ban sa EDSA dahil sa dami ng mga nagrereklamo nang magkaroon ng dry run noong Miyerkules.

 

Hindi lamang ang ordinary citizen of the Philippines ang pumalag dahil nag-emote din ang mga popular personality gaya nina Vice Ganda, Jay Sonza at Randy Santiago.

Kalmante na tao si Randy pero hindi nito napigilan ang sarili na magsalita nang mabiktima siya ng matinding trapik nang ihatid niya sa Greenhills area ang kanyang anak.

Si Jay Sonza naman, malulutong na mga salita ang pinakawalan laban sa MMDA at ilang opis­yales ng Malacañang Palace.

Naloka si Jay dahil yung dating isang oras na biyahe niya sa C5, halos umabot ng tatlong oras na epekto ng dry run ng driver only ban.

Eh lalong lumala ang trapik sa Metro Manila dahil sa pabugso-bugso na buhos ng malakas na ulan, lalo na noong Biyernes kaya marami ang stranded sa kalsada. Pagod na nga sila sa trabaho, napagod pa ang mga pobreng empleyado sa pag-aabang ng mga masasakyan nila para makauwi sa kanilang mga tahanan.

Version ni Sarah ng Miss Granny mas bongga raw kesa sa original

Bukas ang red carpet premiere ng Miss Granny ng Viva Films sa TriNoma cinema.

Tiyak na dadalo sa premiere ng Filipino adaptation ng blockbuster Korean movie ang mga bida ng Miss Granny, sina Sarah Geronimo, Xian Lim, James Reid at Nova Villa.

Sa August 22 ang showing ng Miss Granny sa mga sinehan at excited na ang fans na mapanood ang pelikula ni Sarah na diumano, mas maganda at bongga kesa sa original version na hindi naman kaduda-duda dahil mahusay na direktor si Joyce Bernal.

Anne nakaramdam ng kaba bago nag-umpisa ang concert

Hindi na umapir kahapon sa It’s Showtime si Anne Curtis dahil nagpahinga na siya para sa AnneKulit, ang 21st anniversary concert niya kagabi sa Smart Araneta Coliseum.

Late na rin nang matapos ang dress rehearsal ni Anne sa Big Dome noong Biyernes nang gabi.

Ang AnneKulit ang third major concert ni Anne sa Smart Araneta Coliseum pero kabadong-kabado pa rin siya bago nagsi­mula ang show niya kagabi. Pakunsuwelo na lang ni Anne sa sarili na kahit anong mangyari, tanggap pa rin siya ng fans.

Si Boss Vic del Rosario ang may idea na mag-concert si Anne para sa 21st anniversary nito sa showbiz.

Kagagaling lang ni Boss Vic sa Ame­rika kaya nakaabot siya sa AnneKulit. Na-delay ang flight ni Boss Vic dahil sa eroplano na nag-crash landing sa Ninoy Aquino International Airport noong Thursday night.

Maraming flight ang nakansela kaya libo-libong pasahero ang stranded sa airport. May mga kakilala ako na stranded naman sa Dubai dahil sa advise na hindi puwedeng mag-land sa NAIA ang eroplano na sasakyan nila.

Yung ibang flights naman, na-divert sa Clark International Airport sa Pampanga kaya nagdusa ang plane passengers sa traffic mula Clark paluwas ng Metro Manila.

Aktor nabuko ang pagiging sinungaling

Kumbinsido ang aktres na echosera ang aktor na kapareha niya sa isang pelikula.

Maraming dahilan ang aktor sa hindi nito pagsipot sa mga promo guesting nila pero nabubuking ng aktres ang pagsisinu­ngaling niya.

Confirmed na sinungaling ang aktor dahil mismong ang promo coordinator ang nagsabi na mahirap siya na katrabaho at palaging may alibi kapag wala sa mood na umapir sa TV.

vuukle comment

EDSA

MMDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with