^

Pang Movies

Robi kumpirmadong ‘tirador’ ng tsinita

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Robi kumpirmadong �tirador� ng tsinita
Robi & Maiqui

Galing sa pamilya ng mga Tantoco na may-ari ng Rustan’s ang pamilyang pinanggalingan ng diumano’y bagong girlfriend ni Robi Domingo na si Maiqui Pineda. Ayon sa Google, ang lola ni Maiqui ay anak ng owner ng Rustan’s at si Maiqui ay may kakambal.

 

Gaya ni Robi, galing din sa Ateneo si Maiqui at doon siguro sila unang nagkakilala ni Maiqui. Isa si Alex Gonzaga sa unang nakakita kina Robi at Maiqui na magkasama sa isang mall, nakunan pa niya ito ng video kaso nga lang, malabo.

The next time na makita sina Robi at Maiqui, sa isang event na at naka-abrisyete si Maiqui kay Robi at para sa mga nakakita sa kanila, kumpirmasyon na ‘yun na may relasyon ang dalawa. Tsinita si Maiqui, sabi tuloy ng netizens, mahilig sa tsinita ang Kapamilya TV host dahil tsinita rin ang ex-GF nitong si Gretchen Ho.

Male newcomer na wala pang napapatunayan,nagde-demand ng P100-K na TF

Hindi natuloy ang guesting sana ng isang male newcomer sa isang concert dahil hindi nakaya ng producer ang hininging talent fee ng manager ng new talent. Nagulat ang concert producer nang marinig ang P100,000 thousand na hiningi ng manager.

To think na wala pa namang napatunayan ang talent, ganun na kalaki ang hininging tf ng manager nito. Paano pa kaya kung sumikat na ang newcomer at maipakita na ang maraming talento nito?

In fairness sa new talent, guwapo ito, kilala na kahit wala pa sa showbiz at maraming talent na hindi pa inilalabas. Kaya lang, OA ang asking tf nito, baka sa halip na dumami ang offers ay ma-turn off ang mga producer dahil tiyak na kakalat kung gaano kamahal ang asking tf ng manager niya.

Juancho nagsalita sa ka-holding hands sa Baguio

Sabi ni Juancho Trivino sa interview sa kanya at iba pang cast ng Inday Will Always Love You, single siya at walang GF after ng break-up nila ni Cheska Mendiola. Pero, kamakailan lang, may nakakuha ng video kay Juancho habang nasa Baguio ito at may ka-holding hands na non-showbiz girl. Inakala ng mga nakakita sa video na GF niya ang babae, kaya tinanong namin ang aktor.

Ang paliwanag ni Juancho, dine-date pa lang niya ang ka-holding hands. Magpu-focus daw muna siya sa kanyang career.

Kinuwento pa ni Juancho na sa Season 2 ng rom-com series ng GMA 7, magkakaroon ng chance si Ernest (ang karakter niya) kay Inday (Barbie Forteza) ngayong magkasama na sila sa Manila. Naiwan sa Cebu ang karakter ni Derrick Monasterio. Happy si Juancho na hindi lumalabas na kontrabida kina Barbie at Derrick ang kanyang karakter at wala nang namba-bash sa kanya.

Concert ni Ogie, magi­ging family affair

Magiging family event ang darating na concert ni Ogie Alcasid na OA: Ogie Alcasid 30th Anniversary Concert sa August 24, sa Smart Araneta Coliseum. Ayon sa comment ni Michelle van Eimeren sa post ng anak na si Leila Alcasid na picture nilang dalawa, miss na miss na niya ang anak at excited na siyang makapiling ito.

Guest kasi sa concert ni Ogie sina Leila at sister nitong si Sarah at kasama nila si Nate na anak nina Ogie at Regine Velasquez sa isang production number. Baka may solo number pa ang magkapatid sa concert at mas maganda nga naman kung mapapanood ‘yun nina Michelle at ang husband nito. Next week na ang concert ni Ogie, any day now, darating na sa bansa sina Michelle.

Guest din si Regine kasama sina Vice Ganda, Michael V,  Janno Gibbs, Yeng Constantino, Moira, Bansot Mee at si Rey Valera and featuring ABS-CBN Philharmonic Orchestra. Si Paolo Valenciano ang director at musical director naman si Gerard Salonga.

vuukle comment

ROBI DOMINGO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with