^

Pang Movies

GF ng sikat na pulitiko, ayaw nang magpaggamit sa mga kaibigan

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Hindi na dumadalo sa mga party na imbitado siya ang girlfriend ng isang popular at controversial actor/politician.

 

Ang katwiran ng girlfriend, plastikan lang ang mga party dahil siya ang pinag-uusapan ng mga bisita kapag nakatalikod na siya.

Natuto na ng leksyon ang girlfriend ng actor/politician dahil sa mga personal experience niya. Na-realize ng girlfriend na dumidikit lamang sa kanya ang mga plastikada na friends dahil powerful at very influential ang boyfriend niya.

Piling-pili na ang mga kaibigan ng girlfriend na hindi na basta nagtitiwala dahil sa mga tao na inakala niya na true friends pero mga traydor pala.

Xian nagpaliwanag sa ‘pang-iiwan’ sa ere

Isyu para sa fans nina Sarah Geronimo at James Reid na hindi kasali si Xian Lim sa mga promo guesting ng Miss Granny stars sa mga show ng ABS-CBN.

May mga haka-haka sila na banned si Xian sa mga show ng Kapamilya Network na wala naman daw katotohanan dahil umapir ang aktor sa ASAP noong Linggo at nag-promote sila ni James ng Miss Granny sa Tonight with Boy Abunda noong Thursday night.

Hindi dapat intrigahin ang hindi pag-apir ni Xian sa ibang mga promo guesting nina Sarah at James dahil busy din siya sa basketball practice niya.

Baka nga ang dami-daming ginagawa ni Xian, lalo na ngayon na ang sabi’y pinaghahandaan niya ang Cinemalaya movie na siya ang direktor at writer na Tabon daw ang title.

LT marami na namang pinaiyak

Maraming pinaiyak si Lorna Tolentino sa death scene ni Paulo Avelino na gumanap na anak niya sa Asintado.

Ang sabi ng televiewers, affected na affected sila sa intense acting ni LT at feel na feel nila ang dalamhati ng isang ina na nawalan ng anak.

Multi-awarded actress si LT kaya expected na magaling siya sa lahat ng mga project niya, pelikula man o teleserye.

Tsinugi na ang karakter ni Paulo sa Asintado dahil kasama siya sa cast ng The General’s Daughter. May taping na Paulo para sa bagong television series ni Angel Locsin kaya magkakaroon ng conflict sa schedule kapag hindi papatayin sa Asintado ang karakter niya.

Juancho at Alden hindi mawawalan ng konek

First time ko na nakita nang personal si Juancho Trivino sa presscon ng Inday Will Always Love You noong Huwebes.

Guwapo si Juancho kaya hindi nakapagtataka na nali-link siya kay Maine Mendoza.

Parehong malalim ang dimples nina Juancho at Alden Richards na schoolmates pala noon. Nagkaroon ng isyu sa pagitan nina Alden at Juancho pero hindi lumaki dahil nag-apologize ang huli.

Hindi talaga nawawalan ng koneksyon sa isa’t isa sina Juancho at Alden dahil pareho sila na mga residente ng Laguna.

vuukle comment

XIAN LIM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with