^

Pang Movies

Christian may pinatunayan sa Signal Rock

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Christian may pinatunayan sa Signal Rock
Christian Bables

Congrats sa direktor na si Chito Roño dahil pinupuri ng manonood ang pelikula niya na kasali sa Pista ng Pelikulang Pilipino, ang Signal Rock.

Ang sabi ng mga nanood ng Signal Rock, pinatawa, tinakot at pinaiyak sila ng bagong masterpiece ni Chito.

Si Christian Bables ang bida sa Signal Rock at vindicated siya dahil pinatunayan niya ang galing sa pag-arte.

Nakilala at pinuri si Christian dahil sa transgender woman role nito sa Die Beautiful pero effective din siya sa mga straight guy character tulad nang ginampanan niya sa Signal Rock.

Praying ako na ma-translate sa box office success ang good reviews sa Signal Rock dahil ang mga ganitong klase ng pelikula ang dapat na pinapanood at tinatangkilik ng Pinoy moviegoers.

Mother Lily mas masaya sa tagumpay ng Unli Life

Confirmed na top-grosser sa 2nd Pista ng Pelikulang Pilipino ang The Day After Valentine’s ng Viva Films at second runner up ang Unli Life ng Regal Entertainment Inc.

Ipagdiriwang ni Mother Lily Monteverde ang 80th birthday party niya sa August 19 at perfect birthday gift sa kanya ang success sa takilya ng co­medy movie ni Vhong Navarro.

Mga blockbuster ang pelikula ni Vhong sa Regal, ang Woke Up Like This at ang Unli Life kaya pupusta ako na masusundan pa ang mga movie project niya sa movie company ni Mother Lily.

Ibang pelikula sa PPP nabawasan na ng mga sinehan

Hindi ko na sasabihin ang mga pelikula na kasali sa Pista ng Pelikulang Pilipino na hindi pinilahan sa takilya kaya na-pull out sa mga sinehan.

Marami ang nagsabi sa akin na magaganda ang karamihan sa official entries sa film festival ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) kaya nakakalungkot ang balita na natsugi sa mga cinema ang ilan sa mga pelikula.

Wish ko lang, ibalik sa mga sinehan ang mga entry na critically-acclaimed at talagang nagustuhan ng moviegoers, kahit imposible na mangyari dahil para sa theater owners, business is business. May mga empleyado sila na pinasusuweldo at electric bills na binabayaran.

Ricky hindi makapaniwala sa ginawang pakikipag-orgy

Ang White Slavery ang opening film ng 2nd Pista ng Pelikulang Pilipino noong Martes sa Samsung Hall ng SM Aura.

Mainstay si Ricky Davao ng Inday Will Always Love You kaya ang participation niya sa 33-year old movie ni Lino Brocka ang itinanong sa kanya sa presscon kahapon ng primetime tele­serye ng GMA 7.

Sinabi ni Ricky na muntik nang malaglag sa silya ang kanyang reaksyon nang mapanood niya ang restored version ng White Slavery.

Hindi makapaniwala si Ricky na nagawa niya ang controversial orgy scene ng pelikula. Kasama niya sa sobrang sexy at pinag-uusapan na eksena ang mga sexy star noon na sina Jaclyn Jose, Emily Loren at Sarsi Emmanuelle.

Ang White Slavery ang first attempt ni Lino na gumawa ng sexy movie at nagtagumpay siya dahil critically-acclaimed ang pelikula niya.

Ikinuwento ni Ricky na totally naked siya sa orgy scene pero nilagyan ng plaster ang private part niya. Isa si Ricky sa mga aktor na mapapalad dahil nabigyan siya ng oportunidad na makatrabaho si Lino at ang ibang mga mahuhusay na direktor. I am very sure na noong mga panahon na ‘yon, hindi pumasok sa isip ni Ricky na darating ang araw na magiging direktor din siya gaya ni Lino.

vuukle comment

CHRISTIAN BABLES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with