^

Pang Movies

Pagtulong ni Angel sa mga nasalanta, walang bahid ng pagdududa

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Pagtulong ni Angel sa mga nasalanta, walang bahid ng pagdududa
Angel Locsin

Kung si Angel Locsin ay sinasabing nagbigay ng tulong sa mga biktima ng baha, wala na kaming questions diyan. Kasi maski naman noon ginagawa iyan ni Angel. Red Cross volunteer siya noong araw pa. Hindi nga ba noong panahon ng Yolanda, nakikita si Angel na nakasalampak sa lapag at nagbabalot ng relief goods para sa mga biktima ng bagyo.

Kaya ang pagtulong ni Angel sa nga­yon, walang anumang bahid ng pag­dududa iyan.

Hindi mo masasabing may pelikula lang si Angel. Hindi mo rin masasabing si Angel ay may pelikulang bumagsak o walang career kaya gumagawa ng ingay. Siguro ang ibang walang career sasamantahin ang pagkakataon, pero hindi ganun si Angel Locsin.

Si Angel hindi ba nagbigay pa siya ng isang kotse para ibenta at ang napagbilhan ay itulong sa mga biktima ng Yolanda noon. Hindi kagaya ng iba na ang nari­rinig natin nangurakot pa sa pondo ng Yolanda. Kaya minsan may mga tumutulong talagang napag­dududahan. Kasi nga depende naman iyan sa record ng naka­raang panahon. Hindi natin kailanman matatakasan ang mga kuwento ng nakaraan.

Mga lumang pelikula na may maliit na budget, mas maganda pang panoorin

Ilang ulit na kaming nagigising nang mada­ling araw, at ang nagigisnan namin ay mga lumang pelikulang Pilipino. Minsan hindi ka na tuloy makatulog ulit dahil magagandang panoorin ang mga pelikulang iyon. Hindi iyan super productions noong araw dahil noon ay bihira naman talaga ang mga pelikulang may malalaking budget. Ang mga pelikulang usual lamang ang production budget, pero magaganda ang pagkakagawa at magaganda ang kuwento.

Nagsimula lang naman silang tipirin ang mga pelikula nung magkaroon na nga ng VAT at tumaas ang cost ng raw materials. Ang ginawa ng ilang producers, sa halip na magdagdag ng puhunan, kumuha noon ng mga director na makagagawa ng pelikula na tipid sa negatibo at natural mas mababa ang budget. Noon nauso ang mga pelikulang tapos sa budget na seven million lang, at natatapos sa loob ng pitong araw. Ibig sabihin sa equipment rental na karaniwang 24 days ang kontrata, nakakagawa na sila ng mga tatlong pelikula.

Pero dahil minadali at binarat, natural hindi maganda. Eh ang audience discriminating, alam nila ang dahilan kung bakit ganoon. Hindi na nila pinanood ang mga pelikulang iyan. Sinasabi naman ng mga gumawa niya na “talagang may slump,” dahil ayaw nilang aminin na pangit ang pelikula nila.

Pero dahil minadali at binarat, natural hindi maganda. Eh ang audience discriminating, alam nila ang dahilan kung bakit ganoon. Hindi na nila pinanood ang mga pelikulang iyan. Sinasabi naman ng mga gumawa niya na “talagang may slump,” dahil ayaw nilang aminin na pangit ang pelikula nila.

Ang naging response diyan ng iba, mas binarat pa ang pelikula. Ngayon may mga pelikulang natatapos na tatlong milyon lamang, minsan mas mababa pa.

Iyan ‘yung mga indie na hindi makakuha ng sinehan maliban kung may festival sila at obligado ang mga sinehan na ipalabas sila bagama’t may ilang tumatanggi dahil nga ayaw panoorin ng mga tao ang mga ganyang pelikula. Sinasabing pinagkakakitaan pa rin iyan dahil naibebenta naman nila sa TV, at dahil sa liit ng puhunan, makuha lang sila sa TV bawi na sila. Gusto rin naman ng TV ang ganyan dahil sa ngayon ang isang pelikulang indie mas mura pa sa isang linggong episode ng kanilang ginagawang teleserye.

vuukle comment

ANGEL LOCSIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with