^

Pang Movies

Aiko ‘tae’ ang turing sa karelasyong mayor

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Aiko �tae� ang turing sa karelasyong mayor

Pasabog ang caption ni Aiko Melendez sa picture nila ng politician boyfriend sa kanyang Instagram kaya naman naging viral ito. Saad ni Aiko, “Tae ka ba??? Kasi hindi kita kayang paglaruan @mayor_jaykhonghun.”

Halakhak ang komento ni Marian Rivera sa post ni Aiko. “Wahahahaha...Stay in (heart emoji na love ang ibig sabihin) ate.” “Thank you ganda,” reply ng aktres.

“Share naman ng kuwento na yan Sis mayor hahaha,” komento ni Vina Morales.

“Tae talaga?” tanong naman ni Candy Pangilinan.

Sana naman eh pangmatagalan na ang bagong relasyon na ito ni Aiko, huh!

Sexy photos ni Mariel ‘di raw photoshopped

Nagsabi sa mga magulang si Mariel de Leon na may limitasyon ang papapaseksi niyang gagawin sa launching movie sa Regal. Eh sa bilang cover girl ng unang digital ng mens magazine, paandar ang sexy fotos niyang panggulat talaga bilang anak nina Christopher de Leon at Sandy Andolong.

“I told them that Tito Leo (Dominguez, her manager) will take care of it. I trust Tito Leo,” saad ni Mariel sa huling interview niya sa press.

Hindi naman daw siya nahirapang kumbinsihin ang mga magulang para magpakita ng alindog.

Kumusta naman ang photo shoot niya?

“Surprisingly I was comfortable. I was confident,” saad ng beauty queen-turned actress.

May pa-clevage siya sa photos at slight lang daw ang pa-pisngi niya.

Ano naman ang nakuha niyang feedbacks?

“I am very happy! Proud ang friends and family ko,” sey niya.

Nagulat din siya nang una siyang kunin para sa digital cover ng mag.

“Kaya nagpapayat ako! Being in the business, I need to lessen my weight. I didn’t want to pressure myself kasi mai-stress lang ako,” rason ni Mariel.

May photoshopped ba sa pics niya?

“No! They sent me the raw pictures,” sabi pa niya.

Sa launching movie niya sa Regal, makakasama niya sina Enzo Pineda at Sophie Albert with direk Jay Altarejos bilang director.

vuukle comment

AIKO MELENDEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with