^

Pang Movies

Cesar ipakukulong na pag ‘di sumipot sa senado

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Cesar ipakukulong na pag �di sumipot sa senado
Cesar Montano

Sinabi ni Senator Richard Gordon ng Blue Ribbon Committee ng senado na sa susunod nilang hearing, ipatatawag niya si Cesar Montano para masagot ang kanilang mga tanong tungkol doon sa Buhay Carinderia Project na binayaran na ng gobyerno ng P80 milyon kahit na hindi pa nagsisimula.

Noong nakaraang hearing, inimbita rin pala siya pero wala raw siyang naging sagot. Pinabayaan iyon dahil ang talagang gusto nga nilang pag-usapan ay iyong kontrata sa PTV 4. Pero dahil nabanggit nga rin iyang Buhay Carinderia, sinasabing sa susunod kailangang na si Cesar Montano.

Kung hindi pa rin siya sisipot, maaari siyang ipa-subpoena ng senado. Kung hindi pa rin niya sisiputin ang subpoena, baka magaya siya sa nangyari kay Faeldon na kinulong ng senado.

Ate Vi hinihingan ng approval ni Darna kesa kay Angel

Natawa naman ako sa sinabing approved daw kay Congresswoman Vilma Santos ang paglabas ni Liza Soberano bilang Darna. Kung iisipin mo, bakit nga ba si Ate Vi ang magbibigay ng approval, hindi naman siya ang huling Darna? Kung iisipin dapat si Angel Locsin ang magsalita.

Talaga namang ang project na iyan ay para kay Angel, kaya lang nagkaroon naman siya ng problema sa spine, at hindi na siya makagagawa ng masyadong maaksiyong eksena kaya binitiwan na niya ang pagiging Darna. At doon ‘yun nasalo ni Liza.

Pero siyempre, sa ngayon nga kasi, si Ate Vi ang itinuturing na pinaka sikat na aktres na gumawa ng role ni Darna, at hindi lang miminsan ha. Sinasabi ngang siya ang may pinaka maraming ginawang Darna roles. Isipin ninyo noon, dalawang kumpanya ng pelikula, ang Cine Pilipino at saka Tagalog Ilang-­ilang Productions ang magkasalitang gumawa ng Darna at bida ay Ate Vi.

Kahit na isipin mo, simula noong panahon nina Rosa del Rosario, Liza Moreno, Eva Montes, Gina Pareño at iba pa, mga sikat naman sila pero wala sa level na natawag na superstar o movie queen. Si Ate Vi lang ang nasa ganoong kategorya na lumabas na Darna.

Kaya nga masasabing kahit na hindi siya ang una, siya naman ang pinaka- sikat na naging Darna, kaya nga ang kanyang endorsement sa isang lalabas na Darna ay napakalaking bagay.

Napag-usapan na rin namin ‘yan noong masabi ngang hindi na puwede si Angel, sa dami anng pinagpipilian noon, nasabi nga rin ni Ate Vi na bagay kay Liza dahil sa kanyang hitsura. Iyong mukha kasi ni Liza, mukhang super hero talaga.

Pero may napuna kami, pinalitan nila ang costume ni Darna. Sa isip nila kung si Superman at si Batman nagpalit na ng costume eh, bakit nga ba hindi si Darna.

Pero sa opinion namin, baka mas magandang pinanatili na lang nila ang original na outfit.

Noong araw naging problema iyan ni Ate Vi dahil umangal ang mga madre sa St.Mary’s kung saan siya nag-aaral. Kaya ang naging solusyon ay gu­mamit siya ng body stockings. Pero noong malaunan nakita naman nilang ok lang, hindi na sila kumibo sa costume ni Ate Vi. Pero kung papalitan, aba eh baka hindi na siya makilala. In the first place ang kuwento niyan ay hindi na gawa ni Mars Ravelo. Kung papalitan pa ang costume, bakit pa nga ba tatawaging Darna?

vuukle comment

CESAR MONTANO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with