^

Pang Movies

Madatung na dyowa ni Erich ginastusan ang kanyang pelikula!

YSTAR - Baby E - Pang-masa
Madatung na dyowa ni Erich ginastusan ang kanyang pelikula!
Erich Gonzales at Mateo Lorenzo

Mayaman (as in rich) nga palang talaga ang non-showbiz boyfriend ni Erich Gonzales na si Mateo Lorenzo.

May napakaraming business ang pamilya nito, isa na rito ang isang sikat na pancake house sa bansa.

Maituturing na marami na ring na-accomplished si Mateo sa edad na 24 years old on his own. Graduate siya ng Business Engineering sa Ateneo de Manila University at nag-aral ulit sa Wharton University Graduate School sa Pennsylvania, USA.

He is currently engaged in the trading business.

Well, tanong lang: Totoo kaya, Salve A., na co-producer din siya ni Erich sa first attempt nitong mag-movie producer?

Si Erich lang kasi ang nag-produced ng pelikula niyang We Will Not Die Tonight, isa sa entry sa 2nd Pista ng Pelikulang Pilipino na idinirek ni Richard Somes. Kasama rin niya si Alex Medina sa nasabing pelikula.

Sa ngayon, pahinga raw muna si Erich ng isa hanggang dalawang buwan bago siya sumabak ulit sa panibagong project.

Gusto niyang magkaroon ng pelikula o teleserye na tulad ulit ng The Blood Sisters after niyang magpahinga. At sana raw ay makasama at makatrabaho niya ulit ang mga nakasama niya sa nasabing serye, lalo na raw sina Ejay Falcon at Jake Cuenca.

Si Ejay ay tumayong leading man ng character niyang si Erica, habang si Jake naman ang nagpahirap sa buhay ng triplets.

Parang reunion project daw nila ni Ejay itong The Blood Sisters, since naging magka-team sila sa first series as a lead actress ni Erich, ang Katorse noong 2009.

Bata pa raw sila noon kaya madalas mag-away at magkatampuhan.

Pero, nag-iba na raw ang takbo ng kanilang samahan nang magkasama ulit sila.

May mga pagkakataon daw na nagte-text sa kanya si Ejay para lang tanungin kung may gusto ba siyang pagkain, marahil ay bibili siya habang nasa daan papuntang taping.

“Ako naman,” pahayag ni Erich. “Kapag may food akong dala, tatawagin ko lahat ng kasama ko, priority, of course, si Ejay, kung gusto nilang makipag-share sa dala ko.

“This, include, of course,” dagdag pa ni Erich. “Mga staff at crew ng produksyon.”

Jake hindi na nakaporma kay Erich

Binalak daw ni Jake na ligawan si Erich pero nalaman niyang taken na pala ito.

Kung si Erich ay magpapahinga, si Jake naman ay magpapaka-busy daw dahil inspired daw siyang magtrabaho na magtrabaho ngayon.

May gagawin daw siyang series pero ‘di pa niya ito puwedeng ilantad.

Bukod pa dito, gagawa pa raw siya ng dalawang pelikula at maitatampok din sa theater play na Lucas.

Pangarap ni Jake na magkaroon ng awards, mapa-TV man o pelikula.

“Puwede rin sa performance ko sa theater,” nakangiting pahayag ni Jake.

Ate Vi sabik nang magka-apo kina Luis at Jessy

Nanghihinayang si Lipa City Representative Vilma Santos-Recto dahil hindi siya nakadalo sa History Maker Awards na ginanap kamakailan lang sa The World Trade Center Manila. Hindi tuloy niya nakatsikahan ang mga fellow History Maker Awardees niya na sina Sharon Cuneta, Christopher de Leon, Albert Martinez at Aga Muhlach.

Ang dumalo sa nasabing event para sa kanya ay ang kanyang ate na si Emelyn.

Samantala, kung may isang bagay daw na pagkakapareho nila ni Sharon, ito ay ang pareho pa rin silang mga walang apo.

Inggit daw sila kay Boyet na may apo na sa anak na si Ian de Leon, (mother, Nora Aunor), si Albert naman ay may apo na sa panganay niyang si Alyanna, habang si Aga naman ay may apo na rin sa anak nila ni Janice de Belen na si Luigi.

Kaya nga raw hindi na makapaghintay si Ate Vi na magpakasal na si Luis Manzano sa girlfriend nitong si Jessy Mendiola.

Well Luis, can you hear your Mom’s voice?

vuukle comment

ERICH GONZALES

MATEO LORENZO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with