^

Pang Movies

Christian umayaw sa offer na reality show sa Indonesia

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Christian umayaw sa offer na reality show sa Indonesia
Christian Bautista

Inamin ng Asia’s Romantic Balladeer na si Christian Bautista na tinanggihan niya na maging parte ng isang malaki at sikat na reality show sa bansang Indonesia dahil mas pinili niya ang mag-trabaho dito sa Pilipinas, partikular na sa bakuran ng GMA-7 kung saan muli siyang pumirma ng exclusive contract.

Kahit busy raw si Christian sa preparations ng kanyang wedding with fiancee Kat Ramnani, nagagawa pa rin niyang ipagsabay ang trabaho niya bilang judge sa The Clash at muli siyang aarte sa isang teleserye na Pamilya Roces na ididirek ni Joel Lamangan.

Hindi pa sinasabi ni Christian kung ano talaga ang wedding date nila ni Kat.

Kahit ang location ng kanilang pagpapakasalan ay maingat na hindi pa i-reveal ng singer dahil gusto niyang maging sikreto ang lugar na ito.

Denzel Washington binantaan ang mga makakatrabaho ng anak

Nagbigay na ng warning ang Oscar winner na si Denzel Washington sa mga nagbabalak na bastusin ang kanyang anak na si Olivia.

“I will break somebody’s back if they mess around with my daughter. Let that be the message to put out there. Their back will be broken,” sey pa ng aktor.

Binigyan na ng blessing ni Denzel ang kanyang anak na pasukin ang showbusiness at dahil protektado na ang mga baguhang aktor ng #MeToo movement, kampante ang aktor na magiging safe si Olivia mula sa mga mapagsamantalang filmmakers at film producers.

Umaasa si Denzel na malaki na ang pinagbago ng mga nagpapatakbo ng kanilang business in Hollywood pagkatapos ng mga lumabas na sexual harassment scandals sa producer na si Harvey Weinstein noong 2017.

“I hope so. I think there are just more rules in place. Time will tell...” diin pa ni Washington.

Ang anak na lalake naman ni Denzel na si John David ay umaani ng papuri mula sa film critics dahil sa role nito as a real-life Detroit police detective sa pelikulang BlacKkKlansman ni Spike Lee.

Gabby mas gusto ang batang kapareha

Thankful ang aktor na si Gabby Concepcion dahil sa kanyang edad ngayon na 53, nagagawang pang maipareha siya sa mga leading ladies na malaki ang agwat sa edad niya.

Tulad na lang nang pagtambal niya kay Carla Abellana sa Because Of You at kina Sunshine Dizon at Ryza Cenon sa Ika-6 Na Utos.

Gayun pa man ay nagiging professional lang si Gabby at never naman daw naging issue ang maipareha siya sa mas batang leading lady.

“Young, old, middle-aged, I don’t care for as long as maganda ‘yung project, we work together, masaya siyang kasama,” simple at payak na sagot ng aktor.

Kelan lang ay muling pumirma si Gabby ng exclusive contract with GMA-7 at looking forward ito sa bagong gagawin niyang teleserye.

Hindi nga muna isiniwalat ni Gabby kung ano ang project na iyon at sino ang bagong leading lady niya.

vuukle comment

CHRISTIAN BAUTISTA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with