^

Pang Movies

Mga namimigay ng premyo walang wenta ang tanong

TSUPPATID - Letty Celi - Pang-masa

Napapansin lang namin, bakit sa mga programang It’s Showtime o Eat Bulaga, ‘pag may nananalo ng kanilang grand prize o kahit consolation prize ay itinatanong pa nila kung ano ang gagawin nila sa perang napanalunan? What a silly question! Eh sa panahon ngayon, ang pera ay isang matinding pa­ngangailangan ng tao. Kaya natural, gagastusin nila.

Hindi na dapat nila itinatanong pa ‘yung mga ganitong bagay. Alangan namang sunugin nila ang pera? Ang corny naman ng tanong.

Katrina, Jackie, Samantha at Jackielou pinanggigigilan sa kamalditahan

Nakakatuwa talaga itong mga ka-friendship ko na suki sa libreng panonood ng noontime shows ng GMA-7 like Contessa, The Stepdaughters at Hindi Ko Kayang Iwan Ka.

Mararamdaman mo ang matinding emosyon ng bawat tagasubaybay, ‘yun bang matinding galit talaga para sa tatlong kontrabida ng mga nasabing serye. Talagang napapamura sila sa inis kina Katrina Halili, Samantha Lopes, Jackie Rice, at Jakielou Blanco. Gusto na nilang kurutin ang mga tinggil nito.

Young male TV performer lumala ang pagkakamot sa betlog

Naaalala niyo pa ba ang aktor na nabanggit ko na minsan sa isang column ko dahil sa pagkakamot ng kanyang balls ng harap-harapan habang nakikipag-usap sa mga tao? mas grabe na siya ngayon.

Mahilig siyang mag joke sa harap ng fans. ‘Yun bang hinahawakan niya ang kanyang yagbols at sisigaw ng “kati ng betlog ko!” pwe! Hindi po nakakatuwa.

Ahwel Paz anim na taon nang nagpapa-medical mission sa mga katrabaho

Si Ahwel Paz na madalas ka-partner ni Jobert Sucaldito sa isa sa mga programa nito ay magkakaroon ng birthday ce­lebration para sa media people.

Gaganapin ang nasabing pagdiriwang sa August 19, sa De Los Santos Medical Center, Rodriguez Sr. Blvd Quezon City, 6am-12noon.

May free medical treatment, check up, at laboratory. Maging ang pamimigay ng 50 free eye glasses at free accident insurance na handog ng AXA life insurance ay meron din.

Ilang birthday na itong ginagawa ni Ahwel sa nakalipas na anim na taon.

Ang galing naman. Don’t forget August 19- 6am-12nn. Happy birthday! (Happy birthday Papa Ahwel.  Salamat sa malasakit sa mga kaibigan natin sa industriya. - Salve A.)

4th PMPC Celebrity Badminton Tournament, kapaki-pakinabang

Ang 4th PMPC Celebrity Badminton Tournament ay kasabay din ng PMPC raising project. Magaganap ito sa August 19, 1 to 7pm sa Powerplay Badminton center #24 Apo St., Quezon City. Ang proyektong ito ay isang project for a cause kaya please mga ka-friendship na bet makipag-one on one at makitsikahan sa mga members at mag-relax, join na!

Call us or contact our Chairman (Mr. F.) Fernan Gusman and Mell Navarro: 09267342286. Ciao! God bless us all!

vuukle comment

EAT BULAGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with