^

Pang Movies

Kim, JM, at Barbie hinarana ang mga sundalo

Pang-masa
Kim, JM, at Barbie hinarana ang mga sundalo

MANILA, Philippines — Kinilala ang kagitingan at sakripisyo ng daan-daang sundalo sa programang Saludo sa Sundalong Pilipino na ginanap kamakailan lang sa Armed Forces of the Philippines (AFP) Northern Command sa Tarlac.

Isang araw na puno ng saya ang hinandog sa mga bayani ng bansa kabilang ang isang palabas tampok ang mga talentadong sundalo at Kapamilya stars na pinangunahan ni Kim Chiu.

Dumalaw rin ang Araw Gabi cast kasama sina JM De Guzman, Barbie Imperial, Jane Oineza, Paulo Angeles, Ysabel Ortega, at Joshua Colet para magpasalamat sa mga sundalo at magbigay ng aliw sa pamamagitan ng mga awitin at laro.

“Talagang nakaktuwa at nakakataas ng morale ng mga sundalo ang mga programang ganito, lalo na dito sa Central Luzon,” sabi ni Lt. Col. Isagani Nato sa isang panayam sa TV Patrol.

Maliban sa special variety show, nag-iwan din ang mga bumisitang Kapamilya ng limang TVplus kit sa kampo, iba-ibang regalo, at Just Love Araw-Araw shirts sa mga sundalo.

Inilunsad ng ABS-CBN ang Saludo sa Sundalong Pilipino noong 2017 kung saan nakasama na rin ang mga bida ng FPJ’s Ang Probinsyano, Wildflower, Banana Sundae, at Magandang Buhay sa pagbibigay ng saya at serbisyo sa mga sundalo sa Cagayan De Oro, Manila, at Nueva Ecija.

vuukle comment

BARBIE IMPERIAL

JANE OINEZA

JM DE GUZMAN

PAULO ANGELES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with