^

Pang Movies

Manalo, matalo sa Miss U Catriona inaasam maging aktres

YSTAR - Baby E - Pang-masa
Manalo, matalo sa Miss U Catriona inaasam maging aktres
Catriona Gray

Kung sakali man daw na maitampok ang buhay ni current Bb. Pilipinas-Universe na si Catriona Gray sa drama anthology ni Ms. Charo Santos-Concio na Maalaala Mo Kaya, gusto raw niyang si Maymay Entrata na big winner ng Pinoy Big Brother Lucky 7 ang gumanap bilang siya.

Bicolana ang nanay ni Catriona at ang tatay naman niya ay isang Australyano.

Labis na ikinabigla ni Maymay nang mabalitaan niyang gusto nga siya ni Catriona, overwhelmed daw siya.

Ang gusto naman naming gumanap na nanay ni Catriona ay ang mismong host ng MMK, si Ms. Charo.

Malaki kasi ang hawig ni Catriona kay Charo, agree ka ba Salve A.?

Dating beauty queen din itong si Charo, siya ang nanalong Miss Baron Travel Girl na isang beauty and brain contest noong 1976. Kalaunan din ay nag-artista na siya at naging isang movie producer na rin.

Ngayong November gaganapin ang Miss Universe at sa Thailand ito nakatakdang gawin.

Umaasa si Catriona na masusungkit niya rin ang suwerte na nakuha noon ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach.

Manalo man o matalo, gusto pa rin niyang matupad ang pangarap niyang maging isang TV host o isang aktres.

Cherie nahihirapang ‘gawan ng masama’ si Nora

Umamin si Cherie Gil na hindi raw madali ang pagi­ging kontrabida kay Superstar Nora Aunor na kanyang co-star sa bago nilang serye sa Kapuso, ang Onanay.

Hirap daw siya, pag-amin ni Cherie, na gawan ng masama, higit sa lahat, ‘masaktan’ si Nora.

Si Nora naman ay palaging sinisigurado si Cherie ng paulit-ulit na wala siyang dapat ipag-alala. Gawin niya ang dapat niyang gawin, lalo pa at ang may utos ay ang kanilang direktor na si Gina Alajar.

Si Gina ay ex-wife ng kuya ni Cherie na si Michael de Mesa.

Sue kaya nang mabuhay na walang internet

Matapos gumanap na bida ni Sue Ramirez sa entry ng Pista ng Pelikulang Pilipino na Ang Babaeng Allergic Sa Wifi, na-realized niya na kaya naman palang mabuhay ng isang millennial tulad niya kahit wala ang internet o wifi.

Sa kanyang role bilang si Norma sa pelikula na idinirek ni Jun Lana, mas makabubuti raw ang personal connections sa isa’t isa. Bilang isang tao na allergic sa wifi, natutunan daw ni Norma ang kahalagahan ng pakikipag-communicate through letters, hindi lang sa kanyang minamahal kung hindi pati na rin sa kanyang mga kaibigan.

“Kaya, even in real life now,” ani Sue, “I realized the importance na makipag-communicate through the written words. You get to improve your vocabulary and learn to spell right.”

Ang Babaeng Allergeic Sa Wifi ay mula sa produksyon ng The IdeaFirst First Company na pagmamay-ari ni Direk Jun at ng partner niyang si Perci Intalan.

Kasama rin ang Cignal Entertainment at October Train bilang producer.

Ipapalabas na sa August 15 in theaters nationwide ang nasabing pelikula kasabay ng pito pang entries sa PPP.

Kasama rin sa cast sina Boots Anson-Roa, Yayo Aguila, Jameson Blake and introducing, Markus Paterson.

Toni laging gising pag kasama si Seve

Kapat nagta-travel daw si Toni Gonzaga kasama ang kanyang anak na si Seve, mapa-abroad man o Pilipinas, sinisigurado niyang kumpleto lahat ng kailangan nito kahit pa na may kasama silang maid o yaya ng bata.

Pinaka-importante raw na may dala siya palaging wipes, diapers at maraming pacifiers dahil mahilig daw dumede si Seve.

Dapat rin daw na nasa bote na nito ang kanyang gatas para madali na lang timplahin at ang ilang mga paborito niyang laruan.

Kahit din daw tulog si Seve, dapat ay gising siya.

Of course, malaking tulong ang kanyang mo­vie-TV director husband na si Paul Soriano, who makes sure he is at Toni’s back and call, when the three of them are traveling.

vuukle comment

CATRIONA GRAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with