^

Pang Movies

Alfred ayaw na munang mag-TV

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa
Alfred ayaw na munang mag-TV
Alfred Vargas

Ayon sa actor/politician na si Alfred Vargas, 16 weeks o four months na ang ipinagbubuntis ng misis niyang si Yasmine.

Bale ito na ang third child nilang mag-asawa.

Sobrang excited na nga ang representative ng 5thDistrict ng Quezon City.

“Hindi pa namin alam ang gender,” sey ni Alfred.

Maganda sana kung boy naman ang ipinagbubuntis ngayon ni Yasmine dahil naka-two girls na sila, sina Aryana Cassandra at Alexandra Milan.

Samantala, galing sa Bangkok, Thailand si Alfred at kagabi lang siya nakabalik ng bansa.

Hindi nga pala muna tumatanggap ng regular TV series si Alfred dahil baka magkaproblema pa siya kung aabutan ito ng kampanya dahil tatakbo pa rin siyang representative dahil nakaka-two terms pa lang siya at magti-third at final term pa siya.

Movie nina Sharon at Goma plantsado na

Three Words To Forever ang title ng reunion movie nina Sharon Cuneta at Richard Gomez under Star Cinema.

Bale after 15 years, ngayon lang uli magsasama sa movie sina Sharon at Richard.

Tuwang-tuwa ang mga fan na noon pa humihiling ng balik-tambalan ng dalawa.

Lalo pang natuwa ang mga fan dahil kasama nila sa Three Words To Forever si Kathryn Bernardo.

Si Cathy Garcia-Molina ang direktor ng nasabing pelikula.

Nico, nakaka-proud ang ginawa sa CRA

Marami ang nagsasabing after Crazy Rich Asians, mukhang magiging big name sa Hollywood ang Los Angeles-based Filipino stand-up comedian na si Nico Santos.

Magaling si Nico sa nasabing Hollywood movie.

Pansin na pansin si Nico sa mga eksena niya roon.

Tunay ngang nakaka-proud na nakasama ang isang Filipino na katulad ni Nico sa Crazy Rich Asians!

Ricky gustong pagbidahin si Bea

Hindi artista si Ricky Davao sa bagong pelikulang pinaghahandaan niya, dahil siya ang magiging direktor no’n.

Based sa buhay ng isang Pinay-donya sa Beverly Hills ang pelikulang pamamahalaan ni Ricky.

Rags to riches ang istorya ng pelikulang ‘yon na tiyak na magugustuhan ng mga Pinoy.

Sa ngayon, inaayos pa ni Ricky ang script ng pelikula at magka-casting na rin sila.

Ang suggestion, si Bea Alonzo ang kuning bida sa pelikulang ‘yon at dapat na maghanap din ng much older actress na hawig niya para siyang gumawa kapag nagkaedad na ang bidang babae sa nasabing pelikula.

vuukle comment

ALFRED VARGAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with