^

Pang Movies

Ilang mga artista ‘di rin pinaligtas ng tubig baha

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Talagang malaking perwisyo ang idinulot ng pagbaha sa Metro Manila noong makalawa.

Nagulat kami sa panawagan ng beteranang aktres na si Divina Valencia, kasabay ng pag-post ng pictures ng bahay naman pala ng isa pang aktres, si Elizabeth Oropesa diyan sa Fairview. Sa original post ay sinasabi ni Elizabeth na hindi na sila makalabas ng bahay dahil ang tubig ay lampas tao na. Iyong pictures ay loob ng bahay niya na pinasok na ng tubig, at natatakot na silang baka abutin pa hanggang second floor ng bahay kung nasaan sila.

Kaya nga nanawagan sila kay Mayor Herbert Bautista na baka maaaring tulungan sina Elizabeth at magpadala roon ng bangka para makaalis sila.

Nag-post naman ng sarili niyang video si Glaiza de Castro at ipinakita pang may nagbabangka na sa kalye. Siya naman ay nakulong sa location ng kanilang taping. Tapos may video rin ng kanyang sasakyang nakalubog na sa tubig baha.

Iyong Pista ng Pelikulang Pilipino ay hindi rin natuloy dahil sa matinding buhos ng ulan. Napagdesisyonan ng PPP na ilipat na lamang ito sa Tuesday, August 14.

Sino ba ang pupunta sa kanila eh malakas ang ulan at ang paligid ng Quezon Memorial Circle ay baha na rin. Ayon pa sa PAGASA, maaaring umabot pa ang malakas na iyan hanggang Miyerkules.

Napakahirap ng mabaha, at nasasabi namin iyan dahil nagkaroon na rin kami ng ganyang karanasan. Ang hirap bumawi pagkatapos, lalo na’t nasira ang lahat ng gamit mo.

May magagawa pa ba talaga sa problema ng baha sa ating bayan? Maraming sinisisi kung bakit nangyari iyan.

Kahit nag-pramis na concert ni Anne hinuhulaang ‘di pa last!

Sa darating na Sabado na. August 18, ang mala­king concert ni Anne Curtis sa Araneta Coliseum, iyong AnneKulit, Promise Last Na ‘To.

Ang ganda rin naman ng timing niya, dahil sigu­ro naman sa Sabado ay wala nang ulan at wala na rin ang mga baha. Kung magkakabahaan pa, baka nga magkatotoo ang sinabi niyang “last na ito”.

Pero sa tingin namin, hindi iyan magiging last ni Anne. Unang dalawang araw pa lang ng bentahan ng tickets, iyong pinakamahal na VVIP tickets, sold out na agad. After another 3 days, sinasabing iyong VIP tickets ay wala na rin. Alam naman ninyo ang mga scalper matutunog. Tiyak iyan may bentahan na ng mga magagandang tickets na iyan sa black market.

Sa takbo ng bentahan, mukhang mapupuno ulit ni Anne ang Araneta. Kung mangyayari ang ganoon, palagay ba ninyo mangyayari nga rin ang sinasabi niyang “promise last na ‘to”?

Aktor bistado na may ibang dyowa, panliligaw sa ka-love team palabas lang

Bistado ang isang male star, na hindi pala totoo ang mga pralala niya na ang nililigawan niya ay ang kanyang ka-love team. Ang totoo palang syota ng male star ay isang member ng isang dance group na babae naman. At least ang syota niya ay babae.

Sabi nga ng isang observer, “at least walang masasabing may pinagmanahan”.

Talaga? Totoo ba iyon?

vuukle comment

ANNE CURTIS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with