^

Pang Movies

Bad Genius tampok sa Cinema One!

Pang-masa

MANILA, Philippines — Ipapalabas sa unang pagkakataon sa Cinema One ngayong Linggo (Agosto 12) ang blockbuster thriller na Bad Genius, ang pinakamatagumpay na pelikula mula sa Thailand tampok ang nakakaintrigang krimen na nagsimula sa simpleng high school exam hanggang sa umabot sa ibang bansa kapalit ng malaking halaga.

Mapapanood si Chutimon Chuengcharoensukying bilang ang Bad Genius na si Lynn, isang matalinong estudyante na mandaraya sa mga pagsusulit para kumita ng pera, hanggang sa lumaki ang pandarayang ito na may nakatayang milyong milyon pera.

Base sa tunay na pangyayari ng isang pandaraya sa college admission test, ang Bad Genius ay kinuhanan sa Thailand at Australia. Ito ang nangunang pelikula sa Thailand noong 2017 at kasalukuyang pinakamatagumpay na Thai film na ipinalabas sa iba’t ibang bansa. Nakatanggap rin ito ng sangkatutak na awards sa 27th Suphannahong National Film Awards at sa iba pang international film festivals.

Sa review na isinulat ni Maggie Lee sa American online magazine na Variety.com, ikinumpara niya ang karanasan ng panonood ng nabanggit na Cinema One Blockbuster Sunday feature sa matagumpay na Hollywood film na Ocean’s Eleven dahil sa magaling at exciting na kwento nito.

Pinuri rin ni Maggie ang mga gumanap dito dahil sa kanilang energy at nakakatawang timing. Anya, ang teen model na si Chuengcharoensukying ay na­ging kaaya-ayang mapanood sa kanyang film debut.

Abangan ang nakakamanghang crime adventure sa Bad Genius sa Linggo (Agosto 12) sa Blockbuster Sunday ng Cinema One, 7 PM.

vuukle comment

CINEMA ONE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with