^

Pang Movies

KathNiel masusubukan ang tibay sa bagong pelikula

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
KathNiel masusubukan ang tibay sa bagong pelikula
KathNiel

Mukha ngang lumalabas na ang matibay-tibay pang love team sa ngayon ay ang KathNiel nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla. May pelikula pa silang ilalabas. Siyempre ang magiging batayan ng lakas ng kanilang love team ay ang magiging resulta ng pelikulang iyan. Pero tiyak naman ilalaban iyan ng kanilang fans.

Ang ibang loveteams ay nalalansag na, kung ‘di man masasabing lumamig na.

Una na ngang lumamig ang AlDub, matapos aminin ni Maine Mendoza ang katotohanan na wala naman sila talagang love affair ng Alden. Napilitan na rin si Maine na aminin ang totoo, kasi naman bina-bash, kung hindi naman tuwirang binabastos na ng fans ang mga kaibigan niyang nakakasama niya sa lakaran. Noong inamin ni Maine ang totoo, ano nga ba nagawa nila. Siguro maganda na rin dahil nakatindig naman pareho sina Alden at Maine. Hindi nga lang kasing tindi noong panahon ng AlDub.

Ang LizQuen nina Enrique Gil at Liza Soberano ay mukhang lumamig na. Aywan kung maling project lang para sa kanila, pero hindi na ganoon katindi ang pagtanggap sa kanila sa serye nila. Para ngang hindi na napansin na love­team sila. Aminin natin, pumutok sila noong panahon ng Dolce Amore, pero pagkatapos noon mukhang nawala na rin yata.

Ang JaDine naman nina James Reid at Nadine Lustre pinaghiwalay na rin dahil lumalabas nagiging stagnant na ang career nila pareho, lalo na nga si James dahil laging sila ang magkabuntot. Natural naman ‘management has to protect their interests’ hindi lang naman si James kundi si Nadine rin. Kaya siguro naisip nilang paghiwalayin muna ng projects ang dalawa na sa tingin namin mas ok  kaysa sa manlamig lang sila nang manlamig at mawala na. Ang paghihiwalay sa kanila ay hindi dapat ikagalit ng mga fans nila, dahil damage control iyon. Wala namang artista na sumikat dahil lang sa mga fans na iyan. Kailangan nila ang suporta ng publiko as a whole.

Iyon namang mga bago, kagaya ng JoshLia nina Joshua Garcia at Julia Barretto, ok sana noong una pero iyong huli nilang project nahila sila pababa, mahina ang pelikula na ang balita umabot lang ng 68 million ang total gross lahat-lahat.

Kaya kung iisipin, ang KathNiel pa rin ang pinaka-matibay.

CJ nakalaya na, anak ni Dinky Doo palit sa kulungan!

Kalalabas pa lang sa kulungan ng dating child actor na si CJ Ramos matapos makapagpiyansa dahil sa kaso ng droga, iyong anak naman ni Dinky Doo Jr. ang nahuli rin dahil sa droga. Si Dinky Doo Jr., ay umamin ding gumamit dati ng droga, pero na-reform naman.

Ang anak niya, na kinilalang si Michael Clarion ay nahuli ng QCPD dahil sa droga rin noong isang gabi. Hindi pa maliwanag sa amin kung user siya o nagtutulak. Malabo pa ang mga kuwento.

Ang maliwanag, unti-unti nang nakukuha pati ang personalities na involved sa droga. Kaya dapat tumigil na ang mga may bisyo pa.

Female starlet na hindi natulungan ng mamahaling alahas na sumikat, tinutularan ng isang aktres

Noong araw, may isang starlet na mahilig magpunta sa mga showbiz gathering na may suot na mamahaling alahas, at magagandang damit, kahit siya ay starlet lang. Iyon bang tipong papansin, pero hindi pa rin siya sumikat dahil wala naman talaga siyang talent. Napakahilig niyan sa picture taking at may isang rekwang suka writers na panay ang sulat tungkol sa kanya. Naalala lang namin dahil sa kuwentuhan noong isang gabi. Mukhang totoo ngang “history repeats”. Hindi ba parang iyong ngayon din?

Iyan namang pagti-TH talagang sobrang ob­vious eh. Para bang sagala sa Santacruzan.

vuukle comment

KATHNIEL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with