^

Pang Movies

Janella at Elmo laging bumibisita sa simbahan, relasyon mas lumakas

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Janella at Elmo laging bumibisita sa simbahan, relasyon mas lumakas
Elmo at Janella

May nakakita kina Elmo Magalona at Janella Salvador na nag-attend ng service sa isang Christian church, isang patunay na going strong ang love affair nila at si God ang sentro ng kanilang relasyon.

Sa true lang, tahimik naman ang relasyon ng dalawa at napag-uusapan lang ito kapag may mga pelikula sila na ipinalalabas sa mga sinehan.

Kapag parehong artista ang may affair, mainam talaga na tahimik sila para magtagal ito dahil kapag masyadong high-profile, iniintriga at pinaghihiwalay ng nagmamarunong na fans.

Rayver at Janine magaling magtago

Good example sina Rayver Cruz at Janine Gutierrez na ex-girlfriend ni Elmo.

Matagal nang nali-link sina Rayver at Janine sa isa’t isa pero walang ebidensya dahil hindi naglalagay ang dalawa sa social media ng mga litrato nila na magkasama sila.

Smart and intelligent si Janine. Alam niya na kahit harmless picture ang i-post sa social media, tiyak na bibigyan ng ibang kahulugan at malisya ng fans.

Nakakatuwa nga si Janine dahil tanggap ng mga taga hanga na siya ang leading lady ni Alden Richards sa Victor Magtanggol. Hindi na siya inookray ng fans dahil bukas ang kanilang isip na para sa te-lebisyon lang ang tandem nina Janine at Alden.

Hashtag Nikko wala sa hitsurang galing sa hirap

Isa sa mga bida sa Bakwit Boys ng T-Rex Entertainment Productions si Nikko Natividad na dating talent ni Jobert Sucaldito.

Nakita ko nang personal si Nikko sa presscon ng Bakwit Boys at in fairness, mukhang artista siya.

Walang mag-aakala na nagtatrabaho si Nikko bilang waiter sa isang restaurant sa Bulacan bago siya sumali sa contest ng It’s Showtime.

Si Nikko ang grand winner sa Gandang Lalake segment at ito ang naging daan para magkaroon siya ng showbiz career.

Kung hindi sinasabi ni Nikko na galing siya sa mahirap na pamilya at waiter ang dating trabaho niya, mapagkakamalan siya na mula sa rich family dahil makinis ang kanyang balat.

Ikinuwento ni Nikko ang maraming pagsubok na pinagdaanan kaya malaki ang kanyang pagpapahalaga sa showbiz career niya.

Nabibili na ngayon ni Nikko ang mga materyal na bagay na gusto niya at higit sa lahat, nakakatulong na siya sa kanyang pamilya.

May isang anak si Nikko at dito umiikot ang mundo niya. Sinabi ni Nikko na para sa kanyang baby daughter ang lahat ng ginagawa niya. Hinding-hindi raw niya pakakawalan ang magagandang oportunidad na dumarating sa kanya.

Grateful at thankful si Nikko sa mga producer ng Bakwit Boys dahil sa role na ipinagkatiwala sa kanya.

Direk Jason walang kinikilingan sa dalawang pelikula sa PPP

Si Jason Paul Laxamana ang direktor ng Bakwit Boys at ng The Day After Va­lentine’s na parehong kasali sa 2nd Pista ng Pelikulang Pilipino.

Unang nagkaroon ng presscon para sa Bakwit Boys kaya nagkaroon ng intriga na ang nasabing pelikula ang mas malapit sa puso ni Jason.

Walang katotohanan ang isyu dahil pet project din ni Jason ang The Day After Valentine’s na pinagbibidahan nina Bela Padilla at JC Santos.

Umapir si Jason sa presscon ng The Day After Valentine’s at super promote rin siya sa pelikula ng Viva Films kaya unfair ang mga paratang na may pinapaboran na project ang batambatang direktor na malayo pa ang mararating at marami pa ang movie projects na gagawin.

vuukle comment

JANELLA AT ELMO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with