^

Pang Movies

Ellen at John Lloyd hindi na hinahanap ng fans!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Ellen at John Lloyd hindi na hinahanap ng fans!
Ellen at JLC

Maliit na nga ang tiyan ni Ellen Adarna sa mga picture niyang lumabas sa social media lately. Mayroon pang nagsusukat siya ng isang oversized shirt na ang nakalagay ay “new mom.” Ibig sabihin, talaga ngang nakapanganak na siya kahit na hindi pa umaaming nabuntis.

 

Anyway, tama ngang huwag nang masyadong pansinin  dahil iniwan na naman niya ang kanyang career. Sa ngayon masasabi ngang tinalikuran na nila ni John Lloyd Cruz ang kanilang pagiging mga artista. Hindi na sila artista. Sila ay mga private citizen na.

Kaya lang naman siguro sila napapansin pa ay dahil sila na rin mismo ang nag-e-expose ng sarili nila sa social media at maging sa publiko. Nakakalungkot din sigurong sabihin para sa kanila, pero mukhang hindi na sila hinahanap sa industriya.

Artistic crisis ng industriya kailangang tanggapin

Palagay namin, malabong ikatuwiran na bumabagsak ang industriya ng pelikulang Pilipino dahil matapos lamang ang ilang buwan, ang mga pelikulang napanood sa mga sinehan ay maaari nang mapanood sa telebisyon na noong araw ay inaabot ng taon bago mo mapanood sa TV.

Pero ang tanong nga ng mga observer, bakit iyong mga pelikulang magaganda at may malala­king artista na kung tawagin ay commercial film, bakit ang mga iyon ay kumikita ganung ipinalalabas din naman iyon sa telebisyon at cable channel na kasing bilis ng mga uhuging pelikulang nagpa-flop?

Kaya nga napakahirap na ikatuwirang kaya hindi kumikita ang mga pelikula, lalo na ang mga indie ay dahil mabilis na ipalabas sa TV.

May isa pa tayong obserbasyon. Ang mga pelikulang indie, ilabas man sa cable, inilalagay nila sa hatinggabi o sa madaling araw, kung kailan kaunti lamang ang nanonood. Ang mga pelikulang hits, iyon ang nasa kanilang primetime. Ibig sabihin, maski na ang mga cable television programmers ay naniniwala na ang mga indie ay paningit lang, at hindi makakahatak ng maraming manonood kahit na libre ang panonood sa telebisyon.

Hindi aangat ang industriya ng pelikulang Pilipino kung iyon mismong mga ahensiya na dapat kumilos para paangatin ay hindi nalalaman kung ano ang talagang problema at ang solusyon. Ang talagang problema sa industriya ay “artistic crisis.”

Ano iyang “artistic crisis”? Iyan ang kakulangan ng kaalaman kung papaanong magagamit ang sining para buhayin ang isang industriya. Pinaniniwalaan nila ang sining na sila lang ang naniniwala at hindi iniisip kung ano ang gusto ng audience. Hindi pa ba nila tanggap na kahit na sapilitan nilang isinasaksak sa lalamunan ng publiko ang kanilang mga ginawang pelikula ay hindi pa rin masikmura kaya hindi sila nagbabayad sa sinehan?

Mga artista deboto ni Sta. Clara

Ngayong araw na ito ay kapistahan ni Sta. Clara. Siya ang kinikilalang patrona ng telebisyon at lahat ng mga manggagawa sa telebisyon. Ang simbahan ni Sta. Clara ay nasa loob mismo ng kumbento ng mga madre diyan sa Katipunan Avenue, kanto ng Aurora Boulevard sa Quezon City. Siya rin ay sinasabing patrona ng mga hindi magka-anak, ng magandang panahon, at kung anu-anong iba pa.

Maraming personalidad sa telebisyon at maging sa pelikula ang alam naming deboto ni Sta. Clara at talagang dumadayo sa kanyang simbahan.

 

vuukle comment

ELLEN ADARNA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with