^

Pang Movies

Richard at Lucy, naka-dalawang dekada na!

YSTAR - Baby E - Pang-masa
Richard at Lucy, naka-dalawang dekada na!
Richard at pamilya

Twenty years na pala bilang mag-asawa sina Richard Gomez at Lucy Torres, former showbiz personalities, na ngayon ay nagsisilbi bilang Mayor at Representative, respectively ng Ormoc City.

 

Samantala, sa September 8 naman mag-i-18 na ang only child nila na si Juliana Gomez.

Tall, slim and pretty, Juliana can very well follow her parents footsteps in showbiz. And, in fact, may mga showbiz producers na raw na interesadong kunin ang kanyang serbisyo bilang isang artista.

Ganun pa man, sinabi ni Juliana sa isang interview na gusto niya munang tapusin ang kanyang pag-aaral.

Ayaw magkuwento ng dalaga tungkol sa usapang lovelife, bagama’t, for a time, na-link siya kay Marco Gallo, na isang half Italian na maging housemate ni Kuya sa last Pinoy Big Brother (PBB) season, kung saan si Maymay Entrata ang nanalo.

Sumubok din si Marco sa showbiz pero agad itong nag-give up at bumalik sa Italy para tapusin daw ang kanyang studies.

Cherie pangarap makasama ang nanay at anak sa pelikula

Dream pala ni Cherie Gil na bumida sa isang project kasama ang kanyang ina, former Premiere Productions actress, Rosemarie Gil, at ang kanyang only daughter sa kanyang former international musician husband, Ronnie Rogoff.

Ang kanyang anak na si Bianca Rogoff, 23, ay kasaluku­yang nag-aaral ng acting sa New York University’s Tisch School of the Arts.

Hanggang ngayon ay in demand pa rin si Cherrie. Kasalukuyan siyan napapanood sa Onanay kasama si Nora Aunor.

Equally busy ang kanyang nakatatandang kapatid na si Michael de Mesa na regular na napapanood sa FPJ’s Ang Pro­binsyano, na pinangungunahan ni Coco Martin.

Kasama rin si Michael sa katatapos na much-admired romance drama teleserye, Since I Found You.

Arci pinaplanong balikan ang pagiging rakista

Speaking of Since I Found You, ang bida nitong si Arci Muñoz ay hindi pa tumatalikod sa first love nito, ang pagiging musician. Hanggang ngayon ay nananatili siyang voca­list ng heavy metal-band na Philia.

Philia, according to Arci, has been in existence, kumbaga, since 1999. And the songs they perform remain the same at wala raw silang balak baguhin ito.

Binabalak ni Arci na magkaroon ng concert abroad kapag lumuwag ang kanyang schedule. Nami-miss na rin daw niyang mag-perform sa stage.

But as she said, may nakalaan kaagad siyang bagong series na gagawin, which might not allow her to leave the country ng agad-agaran.

Bago nga pala ninyo makalimutan, featured si Arci sa still showing na romance-comedy movie nina Kakai Bautista at Ahron Villena, ang Harry & Patty.

Jun at Perci nakatanggap ng papuri kay Boots

Ang ganda ng impression ng magaling at igina­galang na aktres na si Boots Anson-Rodrigo sa mag-partner na sina Jun Lana at Perci Intalan, both producers and directors. Mababait at professional daw ang dalawa.

Kasama si Boots sa cast ng Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP) entry, Ang Babaeng Allergic sa Wifi, which Sue Ramirez topbills and produced naman by partners Jun and Perci’s owned film firm, Idea-First Productions. Co-producers ang Cignal Entertainment at October Train.

Ang pelikula ay graded A ng Cinema Evaluation Board (CEB). Tampok din sa cast nito sina Yayo Aguila, Jameson Blake at Marcus Paterson.

Ang Babaeng Allergic… opens in theaters nationwide on August 15 to 21.

vuukle comment

RICHARD GOMEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with