Rufa Mae sinagot ng Waze, hindi kailangan ng audition i-record na lang!
Nag-reply ang Waze sa pamamagitan ng kanilang Twitter account sa video application ni Rufa ‘Waze’ Quinto days ago. Kahapon ay nag-tweet ang Waze : “Hey @imrufamaequinto, no need to audition. You can make your very own Waze Voice using your Waze app. Just head to Settings > Voice Directions & get recording. Bonus: you can share them with everyone via a link,” ayon ang sagot niya.
So hindi official. Siya rin ang magre-record at siya pa ang mags-share, hindi ang Waze.
Lately ay Tagalog voice ang naririnig sa Waze na most of the time naman ay irritating at parang stressful tuwing gagamit ka ng nasabing application na nagtuturo ng mga dadaanan mo na makakaiwas sa traffic.
Ilan sa mga sikat na nag-boses dito ay sina Morgan Freeman, Barack Obama, Pres. Duterte, Mike Enriquez among others.
Sumagot uli si Ruffa Mae ng “Yes I do go go go.”
Tonong Rufa Mae ang naging audition niya sa Waze na malaki ang naitulong para magkaroon ng awareness ang fans na andiyan pa siya at meron na siyang vblog. Malakas ang aliw level ng nasabing audition video kaya nag-viral.
Go go go Rufa Mae, to the highest level.
- Latest