^

Pang Movies

Arci ayaw pa agad mag-asawa

YSTAR - Baby E - Pang-masa
Arci ayaw pa agad mag-asawa
Arci Muñoz

Obvious na stable ang relationship ni Arci Muñoz with her non-showbiz boyfriend na hindi naman niya itinatanggi ang identity, si Anthony Ng, na isang businessman daw.

Pero as much as possible, ayaw niya raw na mapag-usapan ang tungkol kay Anthony, lalung-lalo na ang tungkol sa private life nito.

Ganunpaman, gustung-gusto pa rin ni Arci na nagpo-post ng masasaya nilang litrato sa Instagram. Para lang daw magkaroon ng ideya ang kanyang followers how her boyfriend looks like.

Sa thanksgiving presscon ng serye nilang Since I Found You na produced by Dreamscape Entertainment Television at headed by Deo Endrinal, at Antoinette Jadaone and Andoy Ranay bilang mga direktor na magtatapos na ngayong gabi, natanong si Arci kung kailan siya mag-aasawa. Natawa siya at sumagot ng “Matagal pa.”

Samantala, ayon kay Arci ay magkakaroon ulit siya ng bagong teleserye, pero ayaw pa niyang i-reveal ang title, at lalong ayaw sabihin kung sinu-sino ang makakasama niya.

Sa SIFY naman, talagang impressed daw siya sa mga nakasama niya sa cast, lalo  nga raw kina Piolo Pascual, Empoy Marquez, Alessandra de Rossi, Michael de Mesa at JC de Vera.

Gary aminadong hindi pa masyadong magaling

Bagama’t inamin ni Gary Valenciano na ‘di pa nga siya gaanong maga­ling talaga, meron naman daw siyang approval ng kanyang doktor na puwede siyang maging busy.

Balik na siya sa pagiging juror kasama sina Sharon Cuneta at Ogie Alcasid sa musical competition na Your Face Sounds Familiar Kids at maging sa ASAP bilang performer.

Di pa siya bumabalik sa Tawag Ng Tanghalan, segment ng noontime show na It’s Showtime, bilang isa sa judges.

By the way, in celebration of his 35th anniversary as an entertainer, Gary is producing an album, he said, called Awit at Lara.

Well, abangan natin, para malaman natin kung ano ito.

John matatapos na ang idinirek

Ayon sa Cinema One top gun na si Ronald Arguelles, malapit na raw matapos ni John Lapus ang first directorial job nito, titled Pang-MMK.

Parang hango raw sa kuwento ng kanyang buhay ang theme ng show. Did we hear it right na kahit kailan ay ‘di nagkaroon ng pagkakataon si John na maging close sa kanyang ama, na isang magaling na TV and movie scriptwriter in his time.

Isang teacher naman ang mother ni John.

Isa sa hinahangaang komedyante si John. Kaya, walang nakakaalam na may malungkot din palang pangyayari sa kanyang buhay.

Kasama si John sa cast ng magtatapos nang serye na Since I Found You kung saan gumaganap siya bilang uncle ni Arci at kapatid naman ni Carmi Martin.

Romnick hindi nakatanggi sa aktingan

Wala raw kainte-intensyon si Romnick Sarmenta na sundan ang yapak ng kanyang bayaw na si Quezon City Mayor Herbert Bautista.

Naniniwala kasi siya na hindi niya kailangan ng puwesto sa gobyerno para makatulong sa iba. Pero hindi naman daw siya against sa mga taong gustong maging public official.

Ayon kay Romnick, sinadya raw talaga niyang hindi ma-involved sa showbiz nitong mga nakalipas na taon dahil napagdesisyunan nila ng kanyang asawa na si Harlene Bautista na asikasuhin muna ang kanilang restaurant business located somewhere in Quezon City. Bukod pa rito, gusto rin nilang maging hands on at fulltime parents sa kanilang mga anak. Ang panganay nila ay 26 years old na.

Sa huli, nagkatotoo raw kay Romnick ang kasabihan na once an actor, always an actor. Kaya ngayon ay nagbabalik na siya sa telebisyon at ta­lent na ng Clover Minds Management. Kasama niya sina Perla Bautista, Menggie Cobarrubias and Dante Rivero sa Cinemalaya entry na Kung Paano Hinintay Ang Dapithapon, mapapanood na rin siya sa bagong seryeng Halik na pinagbibidahan nina Yam Concepcion, Sam Milby, Jericho Rosales at Yen Santos starting on Monday mula sa direksyon ni Ruel S. Bayani.

vuukle comment

ARCI MUñOZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with