^

Pang Movies

Bagong partner ni Joey pinagtatalunan ang trabaho

Nitz Miralles - Pang-masa
Bagong partner ni Joey pinagtatalunan ang trabaho

MANILA, Philippines — Hindi naman pala inililihim ni Joey Marquez ang girlfriend dahil nagpo-post siya ng mga litrato nila sa social media.

Nalaman tuloy namin na Malou Quintana ang pangalan ng partner ni Joey, ang hindi lang malinaw ay kung sa bank ito nagtatrabaho o isang flight attendant. Ang tsika kasi sa presscon ng Unli Life, teller sa bank ang GF ng aktor, pero may kumontra at nagsabing FA raw ito.

Anyway, isa si Joey sa magbibigay ng comedy sa Unli Life, ang Regal Entertainment movie na entry sa 2nd Pista ng Pelikulang Pilipino at showing mula August 15-22, sa direction ni Miko Livelo. Ang dami ng tawa ng mga nakapanood ng trailer, lalo na sa kabuuan ng pelikula.

Jameson isang linggong pinagbakasyon ng bashers

Nakwento ni Jameson Blake sa presscon ng Ang Babaeng Allergic sa WIFI na nagbakasyon siya sa Twitter for one week nang ma-bash dahil sa tweet niyang nanghingi ng logo sa mga taong gumagawa ng graphics at ang kapalit ay shoutout.

Inamin ni Jameson na nasaktan siya sa pamba-bash sa kanya na pati personal niyang buhay, siniraan. Tinawag siyang starlet at iba pang masasakit na salita na hindi nito kinaya, kaya nagpahinga muna siya.

“One week lang naman. Wala naman akong bad intention when I did that. Ang feeling ko nga, ang nangyari sa karakter kong si Aries ay nangyari sa real life. Ganu’n pala ang sobrang ma-bash, I was feeling down, ayokong lumabas ng bahay, I’m okay now,” sabi ni Jameson.

Okay na rin sina Jameson at director Jun Lana, director ng movie na entry sa 2nd Pista ng Pelikulang Pilipino at mapapanood simula August 15.

Natapos ang pelikula na Graded A sa Cinema Evaluation Board, kaya makakaasa ang moviegoers ng isang magandang pelikula.

Martin mabalahibo na uli

Mabalahibo na uli si Martin del Rosario nang makausap namin sa taping ng Hindi Ko Kayang Iwan Ka. Tapos na ang shooting niya ng Born Beautiful na kung saan, kinailangan niyang magpa-body wax para sa transgender role.

Ang alam ni Martin, unang ipalalabas sa international filmfest ang Born Beautiful bago ipalabas dito.

vuukle comment

JOEY MARQUEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with