^

Pang Movies

Suot na kwintas ni Kris sa hollywood mas mahal pa sa presyo ng isang gasoline station

Nitz Miralles - Pang-masa
Suot na kwintas ni Kris sa hollywood mas mahal pa sa presyo ng isang gasoline station
Kris Aquino

MANILA, Philippines — Ang yellow gown na gawa ni Michael Leyva ang suot ni Kris Aquino sa green carpet premiere ng Crazy Rich Asians noong August 7 sa TCL Chinese Theater sa Hollywood Blvd., Hollywood, Los Angeles, California. Escort ni Kris ang anak na si Bimby na suot ang Barong Tagalog.

Suportado si Kris ng mga kababayan natin na may mga dalang poster ng movie kahit wala ang picture at name ni Kris. Tumawid si Kris at pinuntahan ang mga kababayan natin na tuwang-tuwa sa kanya.

Post ni Kris sa Instagram (IG): “This was the reason we made the effort to be here...it is my honor to proudly represent the Philippines. Maraming salamat po sa effort nyo to show your love & support. #kaysarapmagingpilipino.”

‘Kaloka ang report ni MJ Marfori ng TV5 na ‘yung necklace na suot ni Kris, ang worth ay mas mahal sa halaga ng isang gasoline station. Kaya sabi ni Kris, pagkatapos niyang rumampa, aaliisin agad ang necklace.

Andi surfer na naman ang bagong dyowa

Deactivated pa rin ang Instagram (IG) account ni Jaclyn Jose. Hindi tuloy siya matanong ng followers niya tungkol sa bagong boyfriend ng anak na si Andi Eigenmann. Hindi rin naman magsasalita si Andi at hindi pa nga nagpo-post ng picture nila ng nobyo.

Ang pangalan ng lalake ay si Philmar Alipayo, first Champion of Philippine Surfing Championship Tour Men’s Division (2017) na nakilala ni Andi nang magpunta siya ng Siargao. Sa IG ng guy, mukhang may anak na itong lalake at tila foreigner ang ina na obviously, hindi kasal ang lalake.

Semi-retired na sa showbiz si Andi, pero may kontrata pa siya sa Viva Films kaya gagawa pa rin siya ng pelikula ‘pag binigyan ng project.

Pero masaya na sa buhay niya sa tabi ng dagat si Andi. May bahay na siya sa Baler at hindi malayong magpagawa ng bahay sa Siargao.

Alden gumanti sa ginawa ni Coco

Kahapon, nasulat namin na ni-like ni Coco Martin ang photo ni John Estrada sa Instagram (IG) nito, suot ang costume ni Loki, ang karakter niya sa Victor Magtanggol. Ikinatuwa ‘yun ng fans ni Alden Richards at nagpasalamat sila kay Coco.

Kahit hindi ang picture niya ang ni-like ni Coco, gumanti si Alden sa magandang gesture na ipinakita ng bida ng Ang Probinsyano. Ni-like rin ni Alden ang lumabas na parang teaser ni Coco sa serye nito na may nakasulat na “Ang huling dalawang linggo 08.25.2048.” May kasamang three emojis ng nakatawa ang pagla-like ni Alden sa post na ‘yun.

Ikinatuwa ng fans ni Coco ang gesture ni Alden. Sana raw, ganun ang lahat ng mga artista, walang network war at nagsusuportahan.

Hindi pa namin natsi-check , pero may nagsabing ni-like na rin ni Coco ang posts nina Coney Reyes at Janine Gutierrez ng Victor Magtanggol.                                                                   

vuukle comment

KRIS AQUINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with