^

Pang Movies

Piolo susubukang tumira sa Marawi

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Piolo susubukang tumira sa Marawi
Arci at Piolo

Bibiyahe na agad si Piolo Pascual sa Marawi para mag-immersion sa gagawin nilang pelikula tungkol sa nasabing lugar na kakatapos magkaroon ng giyera.

Diretso na raw agad siya dun ayon sa actor nang makausap ng mga reporter yesterday sa thanksgiving media conference ng Since I Found You na hanggang this week na lang mapapanood.

Hindi lang kasi basta actor si Piolo sa nasabing pelikula, isa rin siya sa magiging producer.

Anyway, patunay sina Dani (Arci Munoz) at Nathan (Piolo Pascual) na walang pagsubok ang makapipigil sa dalawang taong nagmamahalan ngayong nakatakda nang maganap ang inaabangan nilang pag-iisang dibdib sa huling linggo ng Since I Found You.

Sa kuwento ng magtatapos na serye, matinding pagsubok ang dumagok sa dalawa sa sunod-sunod na problemang dinala ng pagkalugi ng kumpanya ni Nathan, na kalaunan ay na­ging dahilan din ng kanilang hiwalayan. Lalo pang nasira ang kanilang relasyon nang subuking agawin ni Ginno (JC De Vera) si Dani, habang unti-unti namang nawawala kay Nathan ang lahat ng kanyang pinaghirapan.

Hindi man agad-agad ang kanilang naging pagbabalikan, siniguro naman ni Nathan na muli niyang mapupukaw si Dani at hindi na muli pang pakakawalan pa. Mas tumindi rin ang suporta sa kanila ng kanilang pamilya at naniwala na pang-walang hanggan ang kanilang pag-ibig.

Samantala, habang papalapit na ang pagwawakas ng serye, hindi pa rin bumibitiw ang mga manonood sa kwento ng Since I Found You. Noong Biyernes (Agosto 3), humataw ang serye sa national TV rating na 19% ayon sa datos ng Kantar Media.

Kasama rin sa Since I Found You sina Michael de Mesa, Carmi Martin, Joey Marquez, John Lapus, Moi Marcampo, Isabel Oli-Prats, Kate Alejandrino, Vivoree Esclito, Benj Manalo, Joel Saracho, and Cholo Barretto.

vuukle comment

ARCI MUNOZ

PIOLO PASCUAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with