^

Pang Movies

Anne bumuwelta sa isyu ng pag-inom sa boteng may takip

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Anne bumuwelta sa isyu ng pag-inom sa boteng may takip
Anne Curtis

Kinuwestiyon ng isang netizen ang billboard ni Anne Curtis para sa endorsement niya ng isang brand ng tubig habang iniinom niya ito mula sa plastic bottle.

“Ms @annecurtissmith Bakit po may takip yung B’lue, umiinom po ba talaga kayo?” -  @ellestrdlmgui.

“Actually if you zoom in. Wala talagang takip it’s just dark. The agency isn’t that stupid naman. If you look at the BTS video of the shoot you’ll see walang takip,” sagot ni Anne.

Diyos mio naman, hindi naman mapaglinlang na tao si Anne, huh!

Ryan nag-enjoy sa pagpapagaling

Nagparamdam muli si Ryan Agoncillo sa kanyang Instagram nitong nakaraang mga araw, Missing in action ng ilang linggo sa Eat Bulaga ang asawa ni Judy Ann Santos kaya marami rin ang nag-aalala sa kanya.

Sa latest video sa kanyang IG, inihayag niyang under rehabilitation ang tuhod at paa niyang napurnada nung nakaraang mga buwan.

“”Steady progress #rehabilitation,” caption ni Rye sa video.

Nagsilbi na ring hudyat ang aksidente niya upang magpahinga kapag may dinaramdam upang magamot ang lahat. Naging oras naman ‘yung bakasyon ni Ryan upang maka-bonding ang mga anak.

Hopefully, makabalik na next month sa Eat Bulaga si Ryan.

Rewind ng Victor Magtanggol, sumipa ang rating

Mahal na mahal talaga ng manonood si Alden Richards at ang series niyang Victor Magtanggol. Ipinaram­dam nila ang pagmamahal sa Pambansang Bae nang tutukan ang rewind ng pilot episode ng series last Sunday.

Trending muli ito sa social media at balita namin ay pinataob nito ang katapat na programa huh! Patunay na marami ang naka-miss kay Alden sa pagbabalik nito sa primetime sa GMA.

Sa susunod na episodes ng VM, tututukan na ang pagiging Hammerman ni Alden!

vuukle comment

ANNE CURTIS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with