^

Pang Movies

Sarah maraming na-realize nang mag-30

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Sarah maraming na-realize nang mag-30
Sarah at James

Aminado si Sarah Geronimo na talagang malaking hamon din sa kanya ang gumanap na isang granny sa pelikulang Miss Granny na idinirihe ni Binibining Joyce Bernal.

“Hindi rin madali ‘yung umarte ka na i-imbibe mo talaga na matanda ka, inaral din ‘yung mga nuances nila, ‘yung mga antics din ng matatanda. May mga matatanda kasi na medyo masungit na.

“So, nakakatuwa, na-enjoy ko po siyang gawin,” pahayag ni Sarah G. nang makausap namin kahapon sa press junket ng Miss Granny na gina­nap sa Seda Hotel Vertis North.

Tamang-tama naman na nagdiwang ng kanyang ika-30 kaarawan si Sarah just recently at feeling daw niya dahil sa pelikulang Miss Granny ay tumanda na rin siya.

Pero at 30, siyempre ay may mga bagay-bagay na rin siyang na-realize. For one, siyempre ay hindi na siya dapat umakto na parang bata.

“Para umakto na hindi ka res­ponsable sa buhay mo. Na merong mga tao na sila ang gumagawa for you, so “okay ka lang diyan, Sarah,” parang “chill ka lang,” parang “hindi ka pwedeng mag-chill.

“Sa career ko, mga desisyon sa career ko, sa personal life also po, kailangang maging ano na, take responsibility,” she said.

Natanong din namin ang Popstar Royalty kung kumusta namang katrabaho sina James Reid at Xian Lim at aniya ay pareho raw magaan.

“Masaya, magaan lang. Si Xian, actually nakatrabaho ko na siya before sa isang commercial. Super-saglit lang ‘yun. Nakakatuwa si Xian kasi very down to earth, very warm, friendly.

“And si James naman, first time kong makatrabaho as an actor. Sabi ko nga, si James na nakikita mo as a singer, as a performer, napaka-natural niyan. Napaka-relax, kung baga, hindi ako nape-pressure na kailangan, ganito ako, kailangan ganito ako kagaling, ka-all out mag-perform, kung baga, he has his own style. So nakakabilib na napaka-relax lang.”

Huling napanood si Sarah sa pinilahang Finally Found Someone, ang reunion project nila ni John Lloyd Cruz noong nakaraang taon.

Pero ibang-iba raw ang Miss Granny sa mga dati na niyang nagawa at aniya, inaalay niya ang pelikula sa lahat ng mga nanay.

“Para po ito sa buong pamilya, para sa mga nangangarap. Itong istorya po ay dedicated to all the mothers out there. Pinapakita po nito iyong unconditional at fearless na pagmamahal ng isang ina sa kanyang anak. It’s also a dreamer’s story,” she said.

Ipapalalabas na sa Aug. 22 ang Miss Granny hatid ng Viva Films.
James ninenerbyos kapag wala sa tabi si Nadine

Sa pelikulang Miss Granny pa rin, nakausap din namin si James Reid at aminado naman siyang ninerbyos siya at nanibago na hindi niya kasama ang perennial partner na si Nadine Lustre.

Simula nang maging magka-loveteam sila, ito ang first acting project niya na hindi niya kasama si Nadine.

“I was nervous at first, I’m so used to having Nadine with me coz we’re always toge­ther. But it was okay and she’s supporting me and I support her on her movie, she has another movie, Ulan. So, we’re trying something new.”

Thankful din daw siya na ang first movie niya without Nadine ay light comedy lang at hindi talaga kailangan ng mabibigat na eksena. Kung heavy drama raw ito ay baka nga medyo nahirapan siya.

Masayang-masaya rin ang aktor na natupad na naman ang isang dream niya at ito ay ang makatrabaho ang isang Sarah Geronimo.

“For me, a lot of my dreams have been coming true, I feel really blessed and I’m so grateful to boss Vic (del Rosario of Viva Films) for making everything happened.”

Of course, sa premiere night ay kasama raw niya si Nadine na dadalo.

Pagkatapos ng Miss Granny, back to music daw siya, at sisimulan na rin niya ang Pedro Penduko. Sa TV, wala pa raw naka-line-up for this year.

vuukle comment

JAMES REID

SARAH GERONIMO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with