^

Pang Movies

Coco nagustuhan ang costume ng ‘kalaban’?!

Nitz Miralles - Pang-masa
Coco nagustuhan ang costume ng �kalaban�?!
John Estrada

MANILA, Philippines — Natuwa ang mga nakabasa sa pangalan ni Coco Martin sa isa sa mga nag-like sa pinost na picture ni John Estrada sa Instagram (IG) kung saan suot nito ang costume ng karakter niyang si Loki sa Victor Magtanggol. Ang dating sa netizens sa pagla-like ni Coco sa post ni John, nanonood din ito ng telefantaserye ng GMA 7.

May nag-comment naman na baka hindi talaga nanonood si Coco ng Victor Magtanggol, at baka nagandahan lang sa costume ni John at dahil magkaibigan ang dalawa noong nasa ABS-CBN pa si John. Hindi lang kami sure kung nagkasama sila ng show sa Kapamilya Network bago lumipat si John sa GMA 7.

Anyway, kahit kontrabida ang role, marami ang natutuwa kay John at isa nga siya sa favorite character ng viewers. Inaabangan na ang paglalaban nila ni Alden Richards dahil ang unang meeting nila, walang fight scene at sinabihan lang ni Alden si Loki (John) ng “neknek mo” nang hingin nito ang compass.

Aktor walang paki sa PDA ng ex na aktres sa mas matandang actor!

Sa magka-love team na nag-break kamakailan lang, mukhang mas naunang nakapag-move on ang aktor kesa aktres. Ang tsika sa amin, deadma ang aktor ‘pag nag-i-slight PDA ang ex-GF na ka-love team din niya at ang older actor na nali-link sa aktres ngayon.

Magkakasama raw ang tatlo sa isang event ng network at hindi maiwasang nagkakalapit ang inuupuan. Nakikita ng aktor at ng mga tao sa event ‘pag ina­akbayan ng older actor ang aktres at may eksena pang hinahalikan ng older actor ang aktres sa noo.

In-expect ng mga nakasaksi sa slight PDA ng bagong showbiz couple na magwu-walkout ang mas batang aktor at masasaktan.

Pero hindi nito ginawa, tinapos ang event at game pang nakipag-picture sa ex-GF nang may mag-request.

Therese Malvar sumabak agad sa katomboyan

Hindi lang si Iza Calzado ang may kissing scene sa kapwa babae sa Cinemalaya entry na Distance dahil may kissing scene rin ang young actress na si Therese Malvar.

Ang kaibahan lang, mas matagal at mas maraming kiss sina Iza at Maxine Eigenmann, samantalang si Therese ay ilang seconds lang dumampi ang lips sa kaeksenang aktres.

Nang makita namin si Therese after ng screening at nang tanungin kung bakit tinanggap niya ang role, ang sagot nito, “it’s only acting” at “wala ‘yun,”. Saka itinuro ang mom niya na kasamang nanood sa gala screening ng movie.

Saka, sa “she is brilliant” na comment ni Iza at papuri sa kanya ni direk Perci Intalan, right decision ang ginawa ni Therese to accept the role. Sabi ni direk Perci, “You absolutely must watch Therese Malvar’s performance in DISTANCE. Even during our script reading she was already giving us goosebumps. Truly one of the most important actresses of her young generation.”

Hindi pa nabibigyan ng break sa TV ng GMA 7 si Therese.

Sana totoo ang tsikang isasama siya sa bagong soap na pagbibidahan ni Kyline Alcantara at tiyak na mag-i-enjoy ang viewers sa dalawang batang aktres na magaling umarte.                                                        

vuukle comment

COCO MARTIN

JOHN ESTRADA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with