^

Pang Movies

VVIP tickets ni Anne, sold-out na!

YSTAR - Baby E - Pang-masa
VVIP tickets ni Anne, sold-out na!
Anne Curtis

Guess Salve A., kung anong section sa concert ni Anne Curtis na AnneKulit: Pro­mise Last Na ‘To ang almost sold-out na? Ang tickets sa VVIP section na nagkakahalaga lang naman ng 8,000 pesos.

Sabagay, may bonus namang kasama ‘yun. Makakatanggap sila ng personal gift from Anne, plus a photo opportunity with her.

May chance pa na makipagkantahan sa kanila si Anne, na itinuturing na isa sa pinakamabait na artista ng local showbiz.

Gaganapin ang AnneKulit: Pro­mise Last Na ‘To concert sa August 18 sa Araneta Coliseum.

Zanjoe at Bela nawalan ng oras sa isa’t isa!

‘Almost there’ na raw sana ang relasyon nina Zanjoe Marudo at Bela Padilla, pero sa ‘di malamang dahilan, bigla na lang itong naudlot.

Naging close ang dalawa noon nang gawin nila ang seryeng My Dear Heart. Sobrang ideal ng pagtatambal nila noon, puwede na nga sanang gawan ng mo­vie. Pero as usual, naging hadlang na naman ang mga kani-kanilang schedule.

Ginawa ni Zanjoe ang still showing movie nila ni Empoy Marquez, ang Kusina Kings kung saan katambal nila sina Nathalie Hart at Maxine Medina.

Habang si Bela naman ay gumawa rin ng pelikulang kasali ngayon sa Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP) 2018, ang The Day After Valentine’s kung saan katambal naman niya si JC Santos.

Nagkaroon na rin si Bela ng pelikula last year na naging top grosser sa natu­rang festival, ang 100 Tula Para Kay Stella.

Pag wala naman siyang ginagawa, nagho-host siya paminsan-minsan sa It’s Showtime.

Si Zanjoe naman ay may upcoming movie with Maja Salvador, ang To Love Some Buddy, at upcoming series with Angelica Panganiban.

Balikang Angelica at Carlo, totohanan na

For real na raw ang namamagitang closeness sa pagitan nina Angelica at Carlo Aquino. Obvious na totoo ang kasabihang ‘Love is lovelier the second time around’.

Teenagers pa lamang noon sina Angelica at Carlo nang magkagustuhan, hanggang sa lumaki na sila at nagkaroon ng kanya-kanyang mundo, hindi nila namalayang ‘di na pala sila close.

Pero nanumbalik ang nawala nilang closeness nang pareho na silang maging loveless, katunayan nga ay nakagawa na sila ng movie together na malapit na ring ipalabas, ang Exes Baggage.

No wonder, nang ma-ospital si Angelica recently, aligaga sa pag-aasikaso sa kanya si Carlo.

Janine wala sa planong pumatol sa AlDub fans

Alam kaya ng AlDub fans na kahit anong gawin nilang pambubuwisit kay Janine Gutierrez ay hindi sila nito papatulan?

Unang-una, ayon sa lola ni Janine na si Pilita Corrales, singing icon na mother ng dad ni Janine na si Ramon Christopher, napakabait na bata raw ni Janine. At isa pa, may pinag-aralan ang dalaga ni Lotlot de Leon. Graduate siya ng kursong International Studies sa Ateneo de Manila University.

Madali lang daw siyang makakapasok sa corporate world, pero nagkataong mas tumindi ang pagnanais niyang maging artista at mapabilang sa showbiz pagka-graduate niya.

Samantala, ang ipi­nu­putok daw ng butse ng AlDub fans ay dahil siya ang gumaganap na leading lady ni Alden Richards sa fantaserye nitong Victor Magtanggol, imbes na si Maine Mendoza. As if, ‘di nila alam na ang mga may say tungkol sa casting ng isang series ay ang power behind the Network.

Personal

Happy birthday today (August 8) kay Nora Calderon, fellow columnist namin sa PM (Pang Masa) and friend ko ng kung ilang decades now.

Good luck, Noy. And God bless. (Happy birthday po tita Nora. - Salve A.)

vuukle comment

ANNE CURTIS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with