Ethel Booba kinontra ang kalaswaan sa ‘federalism’ ni Mocha
Nakisawsaw rin ang komedyanteng si Ethel Booba sa kontrobersiyang nilikha ng video ni Assistant Communications Secretary Mocha Uson bilang paraan niya ng public awareness sa pederalismo. May salitang charot man sa ending ng tweet at halong komedya, may sense naman ang dating nito.
Pinutakti ng banat si Asec Uson dahil nalaswaan ang ilang pulitiko sa estilo ng kampanya dahil sa paggamit ng mga salitang pepe, dede pederalismo.
“Sana explain nila ang good and bad sa federalism. If may chance ba na tumaas ang tax na babayaran or bumaba, How many states should PH have under federalism. Like solid, liquid and gas, ayyyyy states of matter pala yun. Charot!” tweet ni Ethel.
Nang tanungin ng isang netizen na kung siya ba ang kinuhang spokesperson eh papayag siya, tugon ng komedyana, “Hindi, malay ko ba sa topic na yan. Dapat kinukuha nila ay expert pero kayang i-explain in an easy way para mas madaling intindihin ng mga kababayan natin just in case magtransition tayo sa charotism este Federalism. Charot!”
Banat ng tila supporter ni Asec Mocha ay insecure lang si Ethel.
“Me insecure? Don’t know what for. You’re turning heads when you walk through the door. Don’t need make-up to cover up. Being the way that you are is enough. Charot,” sagot ni Ethel.
Sa isang banda, ayon naman sa boss ni Asec Mocha na si Sec. Martin Andanar, hindi siya ang kumuha kay Mocha para maging spokeperson tungkol sa federalism.
Aba, number one trending topic sa Twitter PH si Asec Mocha dahil sa vlog na ‘yon, huh!
Related video:
Dennis at Jennylyn nilibot ang Cambodia
Walang pakialam sa init ng panahon sa Cambodia ang lovers na sina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado na sige pa rin ang pictorial sa ilang templo ng bansa.
Mas ginusto ni Dennis na sa mas malapit na lugar sila magbakasyon ni Jen at sa lugar na maraming templo. Nakalagay sa Instagram ni Dennis ang lugar na pinasyalan nila gaya ng sikat na Angkor Wat, Angkor Thom, Phnom Kulen National Park at iba pa.
Pagbalik ni Dens, ang series nila ni Dingdong Dantes ang sisimulan niya at ipagpapatuloy ang shooting ng movie nila ni Kim Chiu na One Great Love.
- Latest