^

Pang Movies

Alden naghahanap na ng magiging dyowa

YSTAR - Baby E - Pang-masa
Alden naghahanap na ng magiging dyowa
Alden Richards

Wanted: A girlfriend for Alden Richards?

Well, narinig naming kasi na ang wish ni Alden sa pasko ay sana magkaroon na siya ng love life.

Sino kaya ang masuwerteng babaeng mapipili ni Alden?

May trauma?

Sam ayaw muna ulit ma-inlove

Sarado muna ang puso ni Sam Milby pagdating sa pag-ibig. ‘di man niya kasi aminin, masakit ang naging hiwalayan nila ng last girlfriend na si Mari Jasmine kahit na sinabi naman nitong walang third party at overlapping na naganap sa pagitan nila at ng current girlfriend ni Mari na si Samantha Lee.

Sobrang busy sa ngayon si Sam dahil sa kanyang bagong serye na Halik na eere na next week. Kasama niya rito sina Jericho Rosales, Yam Concepcion at Yen Santos. Mula ito sa produksyon ng unit ni Ruel S. Bayani at idinirek ni Cathy Camarillo at Carlo Po Artillaga.

Bukod pa sa bagong serye na ito ni Sam, meron din siyang gagawing pelikula na ididirek naman ni Paul Soriano. Makakasama niya rito ang Gonzaga sisters na sina Alex at Toni.

Ito ang unang pagkakataong makakatambal ni Alex si Sam, habang ang ate naman nitong si Toni ay nakatambal na niya sa pelikulang My Big Love na mula naman sa direksyon ni Cathy Garcia Molina.

Ang business naman nitong production house na Bright Bulb Production kasama ang mga kaibigang sina Angelica Panganiban at John Pratts ay maganda pa rin ang takbo.

No wonder, Love can wait, as far as Sam is concerned.

Andrew E. ‘di pa rin maka-move on kay Ana

Inamin ni Andrew E. na itinuturing pa ring isa sa mga pinaka magaling na rapper sa Pilipinas hanggang ngayon na nakaramdam siya ng kakaibang sakit nang ma-basted siya ng aktres na si Ana Roces na nakapareha niya noon sa isang movie.

Isa si Ana noon sa pinakamagagandang mukha sa showbiz. Nag-umpisa siya noong mag-perform sa That’s Entertainment ni German Moreno.

Si Ana ngayon ay nasa 40’s na at hiwalay na diumano sa non-showbiz niyang asawa kung saan may mga anak siya.

Si Andrew naman kasal na rin sa isang non-showbiz at regular na napapanood tuwing Sabado at Linggo bilang miyembro ng Singvestigators na kinabibilangan din nina Alex, Kean Cipriano, Wacky Kiray, Bayani Agbayani plus Angeline Quinto, Julianna Segovia at Long Mejia nag-gi-guest minsan sa game show na I Can See Your Voice, hosted by Luis Manzano.

Anne aminadong maraming pagkukulang kay Erwan

Nangako si Anne Curtis sa kanyang asawang si Erwan Heussaff na magha-honeymoon na sila sa November, eksaktong isang taon matapos ang kanilang kasal sa New Zealand last year.

Ang kanilang destinasyon: South Africa.

Anne admits that because of her super busy schedule, marami raw siyang naging pagkukulang sa asawa.

This year nga naman kasi, bukod sa kanyang pagiging host ng It’s Showtime na umeere mula Monday hanggang Saturday. Gumawa siya ng dalawang movies, ang Sid & Aya (Not A Love Story), na naging box office hit at ang still showing na BuyBust na nag-premiered sa New York, Canada at South Korea.

May nakatakda rin nga palang concert si Anne, ang AnneKulit, Promise Last Na ‘To sa August 18 sa Araneta Coliseum. Bukod dito ay nagsimula na rin siyang mag-shooting for the film entry, Aurora, where her co-stars are mostly Theater performers.

Of her concert, guest performers ni Anne sina Sarah Geronimo, James Reid, Ex-Battalion at Regine Velasquez, mula ito sa Viva Live presentation at sa direksyon ni Paul Basinillo.

vuukle comment

ALDEN RICHARDS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with