^

Pang Movies

Jenine wa na care? Elmo at Janella, magkakasolohan na naman sa Amerika

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa
Jenine wa na care? Elmo at Janella, magkakasolohan na naman sa Amerika
Elnela

Masaya ang ElNella fans dahil magkakasama ang rumored sweethearts sa New Jersey, USA.

 

Kasama kasi ni Ogie Alcasid sina Elmo Magalona at Janella Salvador sa 2018 Fiesta in America na gaganapin sa Secaucus, New Jersey ngayong August 11 at 12.

Ang alam ko, sa Thursday na ang alis nila ng bansa pa-New Jersey.

Maraming ElNella fans sa Amerika ang nangakong susugod sa nasabing Filipino event para makita sina Elmo at Janella.

Teka! Matuwa kaya ang nanay ni Janella na si Jenine Desiderio kung mapapabalitang sweet hanggang sa Amerika ang anak at ang rumored-boyfriend nito?

Noon pa kasi napapabalitang ayaw ni Jenine kay Elmo para sa anak.

Well…

Ruffa at Richard hindi nagkakitaan sa LA

Kahit parehong nag-Los Angeles, California, hindi nagkaroon ng pagkakataon na magkita roon sina Ruffa at Richard Gutierrez.

Naunang dumating sa L.A. si Ruffa kasama ang mga anak na sina Lorin at Venice at pagkagaling namin ni Richard sa Orlando, Florida para sa isang TFC (The Filipino Channel) event ay saka kami nagpunta sa lugar na ‘yon.

Nang dumating kami roon, tanging ang nieces niyang sina Lorin at Venice ang nakita ni Richard dahil kasama si Ruffa ng ilang mga kaibigan.

Sinundo naman si Richard ng family friend nilang si Jemmel Opeña at sa Corona Hills siya nag-stay sa una niyang gabi at the next day, umalis naman pa-San Francisco si Ruffa kasama ang mga anak.

Nang ma-delay ang oras ng alis ni Richard pabalik ng Pilipinas, pabalik pa lang ng L.A. si Ruffa at ang kanyang mga anak.

Inakala ni Ruffa na nasa isang mall pa kami ni Richard, kaya naman nagpunta ito roon para makita ang kapatid, pero umuwi naman kami dahil mag-eempake pa uli si Richard.

Nang pauwi na si Ruffa at ang mga anak, umalis na kami ni Richard papunta sa airport.

“Ano ba ‘yan, pareho kaming nasa L.A. ni Chard, pero ni hindi man lang kami nagkita,” natatawang sabi ni Ruffa.

As you read this, ang mag-iina naman ang pabalik na ng Pilipinas.

ALDUB fans sa US, hindi binoycott ang VM

Hanggang sa Amerika ay umabot ang rivalry ng FPJ’s Ang Probinsyano ni Coco Martin at Victor Magtanggol ni Alden Richards.

In fairness, maraming fans si Alden na tumutok sa GMA PinoyTV dahil sa bago niyang fantaserye sa GMA 7.

Pero dahil nga sa popularidad ng TFC ng Kapamilya network, natural lang na mas inaabangan pa rin sa Amerika ang series ni Coco.

Pero maganda rin namang malaman ang karamihan sa AlDub fans na nasa Amerika ay hindi sumali sa drama ng iba na i-boycott sa Victor Magtanggol dahil iba ang kapareha ni Alden at hindi si Maine Mendoza.

Dedma lang naman ang fans na si Janine Gutierrez ang kapareha ni Alden sa Victor Magtanggol.

Ang mahalaga sa mga fan ni Alden ay ang masuportahan ang bagong series ng kanilang idol!

vuukle comment

ELNELLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with