^

Pang Movies

Maymay at Edward mabilis ang pag-akyat

Aster Amoyo - Pang-masa

MANILA, Philippines — Halos nakaka-dalawang taon pa lamang ang tambalan nina Maymay Entrata at ng Fil-German-British actor na si Edward Barber magmula nang siya’y lumabas sa Pinoy Big Brother: Lucky 7 house in 2016 kung saan si Maymay ang big winner at isa naman sa mga runner-up si Edward.

 

Nung isang taon ay nagbida sina Maymay at Edward sa pelikula ng Loving In Tandem kung saan din nakasama ang dating loveteam nina Kisses Delavin at Marco Gallo (na bumalik na ng Italy para ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral). Nagtuluy-tuloy ang pagsikat ng love team nina Maymay at Edward at sila ngayon ang featured stars ng Wansapanataym Pre­sents: Ikaw ang GHOST-o-Ko. Magkasama rin ang dalawa sa upcoming TV series ng Dreamscape, ang Honey My Love So Sweet. 

Boss Vic at Orly Ilacad itatayo ang Vicor Films

Kung ang magpinsang Vic del Rosario, Jr. at Orly Ilacad ay naging successful business partners noon sa pamamagitan ng number one recording company noon, ang Vicor Music Corporation na pinagmulan ng pinakamalalaking recording stars and artists ng bansa, mukhang hindi imposible ang muling pagsasanib-puwersa ng dalawa sa pagpu-produce ng pelikula.

Sina Boss Vic at Boss Orly ay matagal na nagkakuwentuhan sa recent wake ng mother ni Boss Vic na si Mommy Dely at dito nabuo ang plano nilang mag-joint forces sa paggawa ng pelikula. Balak ni Boss Vic na ga­wing Vicor Films ang joint venture nila ni Boss Orly.

Donna ayaw pa ring magpakasal kahit may anak na

Ang Funny One winner ng It’s Showtime na si Donna Cariaga ay may anak na sa kanyang boyfriend na si Cedrick Flores na kanyang nakilala sa teatro. Pero sa kabila na may anim na taon na ang kanilang relasyon ay hindi pa rin nagpapakasal ang dalawa bagay na ayaw naman umano nilang madaliin kahit nariyan na ang anak nilang si Vivienne.

Natutuwa si Donna dahil bukod sa isa na siyang ganap na artista nang siya’y mapasama sa long-running at top-rating action-drama primetime TV series na FPJ’s Ang Probinsyano na pinagbibidahan ni Coco Martin ay natupad ang kanyang pangarap na mapauwi ang kanyang OFW mother na sampung taon na nagtrabaho sa Lebanon nang walang uwian.  Ang bunsong kapatid ni Donna ay wala pang isang taon nang umalis ang kanyang ina para magtrabaho sa nasabing bansa. Eleven years old na ngayon ang kapatid ni Donna at first time silang nagkita since then.

Nakilala si Donna dahil sa kanyang mga hugot lines.

vuukle comment

EDWARD BARBER

MAYMAY ENTRATA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with