^

Pang Movies

Kylie ayaw tantanan ang pagpapa-dede

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Kylie ayaw tantanan ang pagpapa-dede
Kylie

Dahil masaya sa kanyang pagiging isang mother, nagse-share si Kylie Padilla ng kanyang mga experiences sa breastfeeding or pagpapadede sa mga sanggol.

 

Kahit nga raw may pagkakataon na masakit or uncomfortable ang breastfeeding para sa ibang ina, para kay Kylie ay isang kakaibang experience ito dahil sa pagpapadede raw na-establish ang pagiging malapit niya sa kanyang anak na si Alas Joaquin.

Never nga raw naging conscious sa Kylie sa kanyang katawan noong maging isang ina na ito. Kung noon daw ay laging concern niya ay ang magpapayat, ngayon daw ay mas inuuna niya ang pangangailangan ng kanyang baby.

Marami na raw nakausap si Kylie on social media na mga new mommy na tulad niya. Nagse-share raw sila ng kanilang mga experiences at magandang paraan daw iyon para makakuha siya ng tips sa proper breastfeeding.

“Oh the joys of breastfeeding! And It’s breastfeeding month so let’s celebrate the joys and ouches of nursing! I said I would only BF you for 1 year and once again I find myself rethinking my decision. It’s more about the bond, that I can’t let go of. Apart from the struggles, breastfeeding is one of my favourite things about being mama. Even though sometimes it has been one of the most frustrating at the same time,” sabi niya bilang pagbati sa BFmonth.

Barbie never ending happiness ang wish

Natatandaan pa namin ang unang encounter namin kay Barbie Forteza. 12-years old lang siya noon nang makilala namin sa first taping daw niya para sa unang GMA 7 teleserye niya na Stairway To Heaven sa Enchanted Kingdom.

Nakita naming masayahin at bungisngis si Barbie at nakitaan na namin siya ng star quality sa edad niyang iyon.

Ngayon, 21 years old na siya at isa na siya sa inaalagaan at hinahangaan na drama actress ng Kapuso network. Nagri-rate ang mga teleserye na pinagbibidahan niya tulad na lang nitong Inday Will Always Love You na inaabangan ang pagiging kikay at madramang mga eksena ni Barbie.

And of course, blooming din ang lovelife ni Barbie dahil babaeng-babae siya kapag nandyan ang boyfriend niyang si Jak Roberto.

Kaya sa dami ng natanggap ng blessings ni Barbie, personal at professional, simple lang ang naging wish niya noong nakaraang birthday niya.

 “Good health sa ating lahat, and never ending happiness at saka sana mas makapag-travel ako this year,” sey ni Barbie.

Thankful naman si Barbie dahil muli siyang nag-renew ng kanyang pagiging endorser ng BNY Jeans.

Taylor Swift bida sa pelikula ng mga pusa

Confirmed na kasama sa movie version ng Andrew Lloyd Webber hit musical na CATS ang pop superstar na si Taylor Swift.

Makakasama ni Taylor sa big movie musical na ito sina Jennifer Hudson, James Corden and Ian McKellen.

Ito ang third movie na gagawin ni Taylor. Lumabas na siya sa mga pelikulang Valentines Day at The Giver.

Ang magdidirek nito ay ang Oscar winner ng The King’s Speech na si Tom Hooper.

CATS is based on the T.S. Eliot’s Old Possum’s Book of Practical Cats, that was published in 1939. Tungkol ito sa secret world ng mga tinatawag na Jellicle Cats.

Isa ito sa pinaka-succesful na musicals in history ang CATS na hanggang ngayon ay nagtatanghal sa London’s West End and on Broadway in New York.

Una itong nai-stage sa West End noong 1981 at sa Broadway in 1982. It won 7 Tony Awards and 2 Laurence Olivier Awards.

Magsisimula ang filming ng CATS sa Great Bri­tain in November 2018.

vuukle comment

KYLIE PADILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with