^

Pang Movies

Robin hindi nagpabayad sa Build, Build…

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

Walang bayad si Robin Padilla sa pagtulong niya sa Build, Build, Build Program ng Pangulong Rody Duterte na pinamamahalaan ng Deparment of Public Works and Highway na pinamumuan ni Secretary Mark Villar.

 

“Nagpapasalamat ako kay Robin dahil gusto niyang tumulong sa ating Build, Build, Build Program. Nag-volunteer siya para tulungan kami. Alam niyang marami kaming projects sa Mindanao lalo na sa Marawi.

“Kaya napakalaking bagay ang tulong ni Kuya Robin. At least, malaman ng ating kababayan ang proyekto ng ating Pangulo at sa tingin ko dahil sa support niya, lalong lalaki ang support ng ating programa.

“Hindi lang po sa proyekto pati sa trabaho. Kami sa DPWH, may jobs, jobs, jobs din. Magkakaroon kami ng Jobs’ Fair sa August 12 para sa lahat ng jobs na mag-gi-generate ng program natin. Pupunta si Robin.

“Nagkita na kami ni Robin sa mga events at nagkita na rin sila ng staff ko and he expressed his support. Gusto niyang tumulong. Present siya sa Job Caravan sa August 12,” pahayag ni Sec. Mark sa participation ni Robin sa tinutulak na programa ng DPWH.

Magkano sinisingil ni Robin?

“Maganda po, Maganda. Zero! Para sa bayan, tamang-tama lang ang presyo niya, zero!” deklara ni Sec. Villar.

Ibinalita rin niyang kapag nagbukas muli sa publiko ang Boracay, maaayos na maayos na ang resort at maluluwag na ang mga daan.

Joey kontra sa pag-aasawa ni Winwyn, pag-42 lang papayagang pakasal kay Mark!

“Huwag muna!!!” sigaw ni Joey Marquez nang tanungin siya sa payo niya sa pag-ibig sa anak na si Winwyn/Teresita Marquez. Eh sa presscon ng movie nila together na Unli Life, may nakapansin sa suot na singsing ni Winwyn na hula ng iba eh mula sa boyfriend na si Mark Herras.

Rason ni Tsong Joey, “Bilang ama, baby pa ‘yan, gusto ko kasi, sa lahat ng mga anak ko, makatapos sila ng pag-aaral.

“Number 2, kailangang may stable silang trabaho at saka naka-settle ang future nila. Kasi ang pagmamahal minsan, okey ‘yan pero kapag wala nang pagkain sa table, iba na ‘yon.

“Ang gusto ko, prepare for the future. Siguro, pag nag-asawa ito, siguro mga 42!” deklara ni Joey.

Payag ba si Wyn?

“Next question! Ha! Ha! Ha!” tugon ng leading lady ni Vhong Navarro na dati ay pinanonood lang niya nung nangangampanya ang ama sa Parañaque at guest ang grupo ni Vhong na Streetboys.

vuukle comment

MARK VILLAR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with