^

Pang Movies

Natuto na sa mga madidilim na nakaraan Vhong ayaw na uling tumaas ang lipad!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Natuto na sa mga madidilim na nakaraan Vhong ayaw na uling tumaas ang lipad!
Vhong

Bagama’t masaya si Vhong Navarro na nakamit na niya ang hustisya sa pagkakahatol ng guilty kina Cedric Lee, Deniece Cornejo, at Jed Fernandez sa kasong grave coercion na isinampa niya laban sa mga ito noong 2014, hangga’t maaari ay ayaw na niya raw pag-usapan pa ang nangyari.

 

“Hangga’t maaari, may mga bagay na ayaw ko nang pag-usapan,” ani Vhong sa presscon ng pelikulang Unli Life.

“Kasi ito ‘yung. . .bumabalik uli, eh. Kumbaga, nakapapag-move-on na tayo kahit paano, pero pag nababalik uli du’n sa mga balita, sa mga tanong. . .
“Hangga’t maaari nga, hindi na ako nanonood ng balita or hindi na ako nagbabasa ng dyaryo, kasi nga, hangga’t maaari gusto ko nang dumire-diretso na.

“Eh ‘yun eh. Kailangan nating umandar ang buhay natin, eh. Pero kung babalikan natin, parang natitigil ako’t sumasariwa sa akin ang mga nangyari.”

Aminado rin si Vhong na talagang lagi niyang ipinagdadasal ang kasong ito at ang positibong resulta.

“At least, ito ‘yung maraming idinasal na ito ang resulta at nangyari ‘to. Kung baga, kasi sabi ko naman, noon pa man, hindi ako nagsinungaling, eh. Sinabi ko naman lahat ‘yung totoo, eh.”

Ano ang learnings niya sa nangyari sa kanya?

“Siguro, dahil tumaas ang lipad ko, kailangan niya akong bigyan ng leksyon,” pag-amin ng TV host/comedian.

Yumabang ba siya that time?

“Hindi yabang, eh. Hindi ko alam, eh. Siguro para sa sarili ko. Masyado siguro akong naging bilib sa sarili ko. Masyadong. . kung ano ‘yung nakikita ko, baka pwede kong makuha agad.

“Siguro, hinumble niya ako uli. Kaya nga, everytime ngayong nagdadasal ako, sinasabi ko talaga, “Lord, sana huwag N’yong palalakihin ang ulo ko, sana marunong pa rin akong tumi­ngin sa pinanggalingan ko kung saan ako nagsimula.” Laging ganu’n,” pahayag ni Vhong.

Malaki rin ang pasasalamat niya na napakaraming blessings ang dumadating sa kanya sa taong ito at tila tapos na ang madidilim na taon na nagdaan.

“Yung pinagdaanan ko ng 2017, napakabigat. Marami akong pagsubok na pinagdaanan pa. At ‘yung pagpasok ng January, ito ‘yung nawala ang aking ama na napakalapit sa akin.

“Kung baga, sabi ko nga, si Lord, ang hirap kwestyunin, eh. Kung baga, parang “akala ko po, tapos na, akala ko po, okay na. Pero eto pa rin po ang inyong pagsubok.” Eh kailangan ngang harapin natin ‘yun dahil dito tayo sinusubukan.

“Kaya nun’g after naman ng hindi maganda, ‘yung paghihirap ng daddy ko na kinuha na sa akin, eto na uli ang mga blessings. Kung baga, sinasabi ko nga, ‘yung faith natin, huwag mawawala, eh,” seryosong sabi ni Vhong.

Kaya naman tuloy daw ang buhay at patuloy pa rin siyang lumalaban. Nagbabalik siya ngayon sa big screen via Unli Life na isa sa official entries ng Pista ng Pelikulang Pilipino 2018 mula sa direksyon ni Miko Livelo.

Kasama ni Vhong sa Unli Life sina Winwyn Marquez bilang kanyang leading lady, Joey Marquez, Ejay Falcon, Donna Cariaga, Jon Lucas, Isabelle de Leon, Alex Calleja at marami pang iba.

Hatid ng Regal Entertainment, ipalalabas na ang Unli Life sa mga sinehan nationwide simula sa Aug. 15.

 

vuukle comment

VHONG NAVARRO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with