^

Pang Movies

Dedma kay JC, Bela naka-focus sa ‘Asawa!’

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Dedma kay JC, Bela naka-focus sa �Asawa!�
Bela Padilla

Parehong single ngayon sina Bela Padilla at JC Santos na magkapareha sa bagong pelikulang The Day After Valentine’s kaya marami ang nagtatanong kung posible bang ma-in-love sila sa isa’t isa lalo pa nga’t pangalawang pelikula na nila ito. Una silang nagkasama sa 100 Tula Para kay Stella last year.

Pero ayon sa dalawa ay friends lang daw talaga sila at sa ngayon ay hindi muna iniisip ang pakikipagrelasyon matapos ang break-up nila sa kani-kanilang dyowa last year.

Huling nakarelasyon ni Bela ay si Neil Arce at si JC naman ay ang theater actress na si Teetin Villanueva.

Ayon kay Bela, naka-focus daw siya sa trabaho niya ngayon at ito na ang kanyang asawa.

Wala raw siyang time para makipagrelasyon ulit pero inamin naman niyang after Neil, nag-try rin naman siya na magbigay ng chance sa kanyang puso pero hindi raw talaga nag-work-out.

Kung sino ang guy na binigyan niya ng chance, ‘yun ang hindi na niya sinabi.

Si JC naman, aniya ay happy siya ngayon being single at kitang-kita naman dahil panay ang tawa niya sa presscon at kitang-kita ngang masaya siya talaga.

Samantala, ang The Day after Valentine’s ay reunion nina Bela, JC at direk Jason Paul Laxamana na nagkatrabaho sa hit movie na 100 Tula para Kay Stella last year na isa sa entries ng Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP) noong 2017.

At muli, for this year’s PPP, kasama bilang isa sa 8 official entries ang The Day After Valentine’s na showing na nationwide sa Aug. 15. Produced by Viva Films, the movie is rated PG by the MTRCB (Movie and Television Review Classification Board) at Graded A ng CEB (Cinema Evaluation Board).

Gary V at Angeli, nag-foodtrip sa anniversary

Nagbakasyon ang mag-asawang Gary Valenciano at Angeli Pangilinan bilang pagdiriwang sa kanilang ika-33 anibersaryo.

Nagpunta ang mag-asawa sa Villa Escudero kung saan sila ikinasal at in-upload ni Angeli sa Instagram ang kanilang larawan kung saan ay makikitang kasama nila ang Escudero family and enjoying a great time.

 “The Valencianos and Escuderos go a long way ~ with a friendship lasting like over 50 years and today we visited our Ninong sa kasal Don Ado Escudero who treated us with so many delicious meals prepared by Chef Cocoy ~ breakfast with the best tasting tinapa, lunch in his home with chicken inasal, chicken liver, adobo, fish, lanzones and so much more, ginatan for merienda and the best tasting sayote and most tender chicken for dinner! I must have gained 5 pounds today!” ang bahagi ng caption ni Angeli.

Sa mga larawan ay makikita ring mukhang okay na si Mr. Pure Energy at bumabalik na ang dating kalusugan.

Matatandaang sumailalim sa open heart surgery si Gary V. noong Mayo at pagkatapos nito ay muli siyang inoperahan sa kidney para tanggalin ang malignant tumor.

vuukle comment

BELA PADILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with