^

Pang Movies

Lovi babalikan ang pagkanta!

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa
Lovi babalikan ang pagkanta!
Lovi & Viva Boss Vic

Mali ang akala ng iba na nasa Los Angeles, California pa si Lovi Poe.

Monday pa nakabalik ng bansa si Lovi mula sa mahigit two weeks na pagbabakasyon sa L.A.

Panay pa kasi ang post ni Lovi sa kanyang social media accounts ng pictures at videos ng kanyang L.A. vacation kaya may ibang nag-aakalang nasa abroad pa siya.

Ang pagpirma ng three years exclusive contract sa Viva Records ang isa sa mga dahilan kung bakit umuwi na ng bansa si Lovi.

Excited siya sa sisimulang album sa recording company ni Boss Vic del Rosario.

Maganda ang boses ni Lovi at sayang naman talaga kung hindi pasisiglahin ang kanyang recording career.

Very thankful si Lovi dahil mismong si Boss Vic ang nakatutok sa gagawin niyang album na may bonggang music video rin.

Pops walang maipakitang boylet

Katulad ni Lovi, nakabalik na rin sa bansa si Pops Fernandez.

Pati ako ay nag-akalang nasa ibang bansa pa rin ang ex-wife ni Martin Nievera dahil panay pa rin ang posting niya ng ilang pictures at videos ng stay niya sa L.A.

Bukod sa bakasyon ay nag-host din si Pops, kasama si KC Montero, ng isang beauty pageant sa L.A.

Sobrang enjoy si Pops sa naging bakasyon niya sa L.A. dahil nakasama niya roon ang mga kaibigang sina Alice Eduardo at Small Laude.

Sa bahay roon ng businewoman na si Alice tumira si Pops.

Sobrang lapit ni Pops sa magkapatid at kabarkada rin nila si Marjorie Barretto.

Nope, wala akong nabalitaan na may kasamang boylet si Pops habang nasa L.A. siya kaya marahil ay totoo nga ang tsika niya sa akin na wala talaga siyang boyfriend ngayon, huh!

Mga kaibigan ni Anne todo promote sa BuyBust

Ang mga kaibigan ni Anne ang tumutulong na mag-promote ng pelikula niyang BuyBust na nag-showing na sa mga sinehan noong Wednesday kaya masasabing suwerte siya sa kanyang mga kaibigan.

Isa sa grabeng mag-promote ng BuyBust sa kanyang social media accounts si Raymond Gutierrez.

Best friends ang dalawa, kaya masaya si Raymond sa tagumpay ng pelikula ni Anne.

Maganda ang feedback sa pelikula.

Grabe ang mga papuri sa acting ni Anne sa pelikulang ‘yon.

Mukhang maganda rin naman ang box-office result ng BuyBust kaya palaging masaya si Anne kapag mapapanood sa It’s Showtime!

Maraming artista nakahanda na sa birthday ni Mother Lily

Ang bongga ni Mother Lily Monteverde dahil ilang malalaking artista ang nagpa-blocked off ng kanilang August 19 para sa 80th birthday celebration ng Regal Entertainment royalty.

At her age, hindi maikakailang isa pa rin sa pinakamatatag na haligi ng local showbiz industry si Mother Lily.

Masasabing pinakasikat na movie producer si Mother Lily na ilang dekada na ang binibilang sa showbiz!

Si Mother Lily rin ang maituturing na pinaka-darling of the entertainment press dahil sobra niyang love ang mga tumutulong sa publicity and promotions ng kanyang mga pelikula!

Palaging sinasabi ni Mother Lily na kung wala ang entertainment press ay wala rin siya!

Sabi ni Mother Lily, malaking tulong ang entertainment press sa hanggang ngayon ay pamamayagpag niya at ng kanyang movie company!

vuukle comment

LOVI POE

VIC DEL ROSARIO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with