^

Pang Movies

Kris may escort na dok tor pa-amerika

Nitz Miralles - Pang-masa
Kris may escort na dok tor pa-amerika
Kris Aquino
Kris Aquino/Instagram

Sa allergy free na hotel titira

MANILA, Philippines — Nakatulong ang prayers ng supporters ni Kris Aquino dahil binigyan siya ng medical clearance ng kanyang doctor para makadalo sa red carpet premiere ng Crazy Rich Asians. Pumayag din ang mga kapatid ni Kris na makaalis siya, basta may kasama siyang doctor.

Kaya kasama ni Kris na lilipad papuntang Los Angeles ang kanyang doctor at mga anak na sina Josh at Bimby at iba pa. This Friday na lilipad ang grupo nina Kris para sa August 7, premiere night ng nabanggit na pelikula.

Para masigurong hindi na bumalik ang allergy ni Kris, sa isang allergy free hotel rooms sila nag-check in. Aware na raw ang mga hotel sa States na deadly sa health ng tao ang allergens, kaya may rooms silang allergy free.

Ruru matagal nang tina-target si Bianca

Magtatapos this Friday ang Kambal Karibal at sa matagal na paghihintay ng sumubaybay sa primetime soap, malalaman na kung may happy ending ang mga karakter nina Miguel Tanfelix at Bianca Umali.

In real life kasi, may problema sa relasyon ng  dalawa.

Nasulat na ngang nag-break sina Miguel at Bianca na tiyak kanilang ide-deny dahil never naman nilang inamin na nag-on sila. Pero alam ito ng kanilang fans na nakababad sa taping ng Kambal Karibal at sa rehearsal at live presentation ng Sunday Pinasaya.

May tsika nga na kung si Miguel nali-link kay Kyline Alcantara, si Bianca naman ay nali-link sa iba at sa kasama pa nila ni Miguel sa Sunday Pinasaya. Ang tinutukoy namin ay si Ruru Madrid na kung paniniwalaan ang usap-usapan, matagal nang gusto si Bianca, hindi lang daw makaporma dahil nirerespeto ang relasyon ng aktres at ni Miguel.

Ngayong break na ang Biguel, libre na si Ruru na ligawan si Bianca. Napapansin nga na nila-like nina Ruru at Bianca ang post ng isa’t isa sa kani-kanyang Instagram (IG). Dati raw ay hindi ito ginagawa nina Bianca at Ruru, pero ngayon, makikitang nangunguna ang pangalan ng isa’t isa sa pagla-like sa kani-kanyang post.

Serye ni Glaiza puro patayan

Binago ang hitsura ni Glaiza de Casto para sa role at karakter niyang si Ka Liway sa Cinemalaya entry na Liway. Walang make-up at pinaitim pa si Glaiza, kaya sa nag-comment na hindi niya kamukha ang naglabasang publicity photos, ang sagot ni Glaiza, hindi niya ‘yun anggulo.

Anyway, malapit nang magtapos ang Contessa, ang Afternoon Prime ng GMA 7 na pinagbibidahan ni Glaiza, pero puro pa rin pasabog ang mga eksena. Every episode, may namamatay at may isang episode na nagkaroon ng masaker, ang daming namatay. Mabuti at hindi nagkaroon ng problema sa MTRCB.

Physically and emotionally ang naranasang hirap ni Glaiza sa Contessa, kaya plano nito, pagkatapos ng taping, magbabakasyon muna siya ng isang buwan.

vuukle comment

KRIS AQUINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with