^

Pang Movies

Kiefer nalilibre na ang Kuya

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate - Pang-masa
Kiefer nalilibre na ang Kuya
Kiefer Sanchez

Ang bait naman ni Kiefer Sanchez ng TNT Boys, maraming beses na niya palang inilibre ang kanyang kuya gaya ng pagbili niya rito ng sapatos, damit, laruan, at iba pa ngayong kumikita na siya.

Tulad nina Mackie Empuerto at Francis Concepcion,nakatabi rin sa bangko ang pera niya. Siya angpinakamatanda sa tatlo sa edad niyang 13 taong gulang.

Tuloy din ang pag-aaral ni Kieffer kahit busy sa kanyang career. Nasa Grade 8 na siya sa home school sa Catholic Filipino Academy at pinakapaborito nito ang math subject.

Naalala pa ni Kiefer ang mga ginagawa noon kasama ang kanyang tatay na dating isang driver. Sumasama siya sa pasada at siya ang tagasukli.

Pangarap ni Kiefer na maging engineer paglaki, para raw ayusin ang lubak sa mga kalsada.

Pero ang pinakapangarap nito ay magkaroon ng sarili niyang studio, para makapag-record ng sarili niyang mga kanta.

Walang pormal na pag-aaral si Kiefer sa music pero sa pamamagitan lamang ng pakikinig at panonood ay nakakaya niyang kapain ang mga tono nito, mapa-piano man, gitara o ukelele.

Samantala, super excited na siya sa pagkakaroon nila ng sariling album soon na ire-release ng TNT Records.

Kung si Francis ay si Regine Velasquez ang paborito, si Kiefer naman ay paborito si Ariana Grande.

vuukle comment

KIEFER SANCHEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with