^

Pang Movies

Alice hindi nasindak sa pambibira sa kanyang birthday sa Bora!

Nitz Miralles - Pang-masa

MANILA, Philippines — Pinapabura kay Alice Dixson ng mga nakakita ng video at photos ang pinost niya sa Instagram (IG) kung saan nasa Boracay siya at doon nag-celebrate ng birthday. Baka raw kasi ma-bash ang aktres dahil bawal pa nga ang pagpasok sa Boracay, tapos si Alice, nakapasok at nakalapit pa sa beach shore kasama ang kanyang pet dog.

 

In all fairness, habang sinusulat namin ito ay hindi pa rin binubura ni Alice ang video at photos niya. Hindi rin nya sinasagot ang mga tanong kung bakit siya pinayagang makapasok sa Boracay dahil sa October pa nga ito nakatakdang magbukas. Inakusahan tuloy si Alice na gumamit ng koneksyon at hindi sumunod sa batas.

Pero marami rin ang dumepensa sa kanya, baka nasunod daw ni Alice ang eight point guideline, kaya siya nakapasok sa Boracay. May nag-post din na kaya libreng nakapasok sa Boracay si Alice dahil executive ng Shangri-La Group of Companies ang foreigner boyfriend nito at siguro raw may ID rin si Alice.

Anuman ang rason kung bakit nakapasok sa Boracay si Alice, natupad ang dream nitong sa Boracay mag-birthday at nakabalik na siya ng Manila. Iyong mga nag-react, patuloy sa pagsasagutan sa Instagram (IG) ni Alice.     

vuukle comment

ALICE DIXSON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with