^

Pang Movies

Kahit katapat ni Coco, Pilot episode ng Victor Magtanggol iniendorso nina Vic at Maine!

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Kahit katapat ni Coco, Pilot episode ng Victor Magtanggol iniendorso nina Vic at Maine!
Vic Sotto, Maine Mendoza at Coco Martin

Buong ningning na inendorso nina Vic Sotto at Maine Mendoza sa Eat Bulaga kahapon na tutukan ang pilot telecast kinagabihan ng fantasy-drama series ni Alden Richards na Victor Magtanggol.

May pa-bonus pa si Vic na ang manonood ng VM ay may chance na magkaroon ng suot niyang 40th anniversary T-shirt ng EB matapos sagutin ang tanong na ilalagay sa Facebook ng noontime show, huh!

Wala naman sigurong isyu ito kay Coco Martin na katapat ng series ni Alden at kasama nila ni Meng sa festival movie nilang Jak Em Poy The Puliscredibles, huh! Trabaho lang naman ito.

Anyway, nagpakita ng bagsik sa Twitter ang fans at sumusuporta kay Alden dahil ang gamit nilang hashtag na #VictorMagtanggolAngSimula ay umabot na sa 394K tweets habang ang hashtag naman na gamit ng AlDubNation na #ALDUBxAldenOnVM ay may 236K tweets occupying the 1st and 2nd Top Trending Topics sa Twitter PH kahapon ng hapon pa lang.

 Isang artistang nagsisikap na makatapos, pinahihirapan ng paaralang pinapasukan

Nag-aalala ang isang artistang pinagsasabay ang pag-aaral at pag-aartista dahil sa bagong patakaran ng pinapasukan na pinaiiral ngayon.

Sa kuwento ng isang friend ng artista, pinapipili raw siya kung pag-aaral o pag-aartista ang gagawin niya.

Eh, kahit daw nag-aartista, hindi naman nagpapabaya sa pag-aaral ang artista, huh! Kung minsan nga lang ay hindi siya fully-loaded sa units ng subjects na ini-enrol.

Kahit kasi mahirap ang kursong kinuha iginagapang ng artista ang pag-aaral dahil pursigido rin siyang tapusin ito bilang pangako sa mga magulang.

Xian pinagpalit ni Kim kay Dennis!

Si Dennis Trillo ang bagong leading man si Kim Chiu sa gagawin niyang bagong pelikula na may title na One Great Love. Magaling pa sa pag-arte ang aktor kaya inaabangan kung magsu-swak ang bago nilang tambalan.

Siguradong maninibago ang fans ni Kim sa magiging role niya.

vuukle comment

COCO MARTIN

MAINE MENDOZA

VIC SOTTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with