^

Pang Movies

Kinaiinggitan, Lovi nakipag-bonding sa Hollywood actor

Nitz Miralles - Pang-masa
Kinaiinggitan, Lovi nakipag-bonding sa Hollywood actor
Torrance, Lovi & Adelaide

MANILA, Philippines — Kahit ang kapwa celebrities, nainggit kay Lovi Poe nang i-post sa Instagram (IG) ang photos nila ng Canadian-American actor na si Torrance Coombs at Australian actress na si Adelaide Kane. Nasa Amerika si Lovi, kaya nagkaroon uli sila ng chance na magkita sila ng online friend niyang si Torrance Coombs.

This time, isinama pa ni Torrance ang co-star niya sa Reign na si Adelaide Kane, kaya doble ang inggit sa kanya ng mga kaibigang artista. May nagtanong pa kung paano sila makakapagpa-picture sa dalawang foreign stars.

Si Torrance ay nakilala ni Lovi sa IG at nag-meet na sila sa States at pati wife nito, na-meet na rin ni Lovi. Bale second time na niyang ma-meet in person ang aktor at isinama si Adelaide na napapanood din ni Lovi sa Reign.

Parang matagal na si Lovi sa States at parang wala pang balak umuwi. Wala pa itong next teleserye sa GMA 7 at hindi pa yata sisimulan ang mga naka-line up na pelikula, kaya sinusulit pa niyang mag-travel.

Tatay ni Hailey Baldwin walang nasabi kay Justin

Nakita namin si Cesar Montano sa photos na kuha sa pre-production meeting at storycon ng pelikulang Kaibigan ng Perkins twins na sina Jesse & Christian. Ibig sabihin, kasama sa pelikula ang aktor at bale, ito ang comeback movie niya after a long time na hindi siya gumawa ng movie.

Kasama rin sa movie ang Hollywood actor na si Stephen Balwin, ama ng fiancé ni Justin Bieber na si Hailey Baldwin. Naging successful kaya ang mga reporter na tanungin si Stephen sa future son-in-law niya? Naitanong din kaya ng mga reporter kung kailan ang kasal nina Justin at Hailey?

VM uulanin din ng guests

Eighteen cast members ng Victor Magtanggol ang present sa presscon ng telefantasya ng GMA 7 na magpa-pilot this Monday. Of course, sa pangunguna ni Alden Richards na gumaganap na si Victor Magtanggol. Hindi pa matantiya ng aming kausap kung ilan lahat ang bubuo sa cast hanggang magtapos ito.

Marami pang papasok na guest at may magka-cameo at sa pilot episode nga, guest na si Diana Zubiri. Maggi-guest din sina Christian Bautista at Sheena Halili at may mga request ang Kapuso viewers na gusto nilang mapanood sa Victor Magtanggol.

Hindi masagot ni Coney Reyes kung magtatagal ang labas niya sa Victor Magtanggol bilang si Vivienne, ina ni Victor (Alden).

May cut-off si Coney sa taping at thankful na ibinigay sa kanya ng GMA-7 ang request na ‘wag siyang abutin ng madaling-araw sa taping. Mahal niya ang acting, pero ayaw naman niyang sobrang napupuyat at napapagod sa trabaho na kinabukasan, ngarag na siya at nahihilo dahil sa pagod at puyat.

Tom nakipagkita sa Disney animator na iniidolo

Si Carla Abellana ang nagsilbing official photographer ng boyfriend niyang si Tom Rodriguez nang makipagkita ang aktor kay Mr. Mark Henn of Disney. Pinuntahan ng dalawa si Mr. Henn sa Hyatt City of Dreams Manila at nag-present yata ng kanyang portfolio si Tom.

Post ni Carla, “@akosimangtomas gets to take home a pencil sketch of the young Simba drawn by the legend behind Disney’s young Simba himself-Mark Henn.”

Mababasa ang comment ni Tom na “surreal” in meeting Mr. Henn at message kay Carla na “Thank you for being there with me, mama :)”

vuukle comment

LOVI POE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with