^

Pang Movies

Maritoni binabalik-balikan ang mas batang dyowa sa US

Nitz Miralles - Pang-masa

MANILA, Philippines —  Comeback project ni Maritoni Fernandez ang Victor Magtanggol and after three years out of showbiz, muli siyang mapapanood sa nasabing telefantasya na mapapanood na simula bukas, July 30, pagkatapos ng 24 Oras.

 

Si Atty. Annette Gozon-Valdes ang unang rason ni Maritoni kung bakit tinanggap ang Victor Magtanggol. Isama na rin sa mga rason sina Alden Richards at Kristoffer Martin na nakasama niya sa Tween Hearts dati. Tuwang-tuwa si Maritoni sa dalawang aktor na ang layo na raw ng narrating ngayon.

Kontrabida ang role ni Maritoni, stepdaughter niya si Janine Gutierrez na kanyang aapihin. Later on, inamin ni Maritoni na na-miss niya ang pag-arte at na-miss maging kontrabida.

Dagdag pa ni Maritoni, paano pa niya tatanggihan ang offer ng GMA-7 kung ibinigay ang request niyang cut off at papayagan siyang magbiyahe sa Amerika para dalawin ang kanyang special someone. Isang Fil-Am ang karelasyon niya for almost two years na. The guy is younger than her at sinabihan niyang hindi na siya puwedeng magka-baby dahil sa edad niya. Okey lang naman daw sa BF na hindi na sila mag-baby.

Showbiz couple kinakiligan ang biyahe

Ang daming kinilig sa balitang bumiyahe ang real love team na favorite ng marami. Walang kasama ang showbiz couple na magbabakasyon at magba-bonding, bagay na hindi nila magawa rito dahil kahit saan magpunta, may fans at casual fans na nakabantay.

Nasa right age ang showbiz couple para sila’y magbakasyon.

Waiting kami at ang mga nagmamahal sa dalawa sa magiging announcement nila kung ano bang binabalak nila sa kanilang relasyon.

Kyline may parinig kina Bianca at Pauline

Gustong malaman ng nakabasa ng IG Story ni Kyline Alcantara kung sino ang gusto nitong patungkulan sa pinost na picture card ng isang horse at babae na nag-uusap ng:

“You know what the problem is with everybody?” na sinagot ng kabayo na “They all just want to hear what they already believe” at sinundan ng “No one ever wants to hear the truth.”

Tama kaya ang paniwala ng fans ni Kyline na para kina Bianca Umali at Pauline Mendoza ang pinost ni Kyline? Alam na ng kani-kanyang fans na not in good terms ang tatlo at para raw tinotoo nila ang nangyayari sa story ng Kambal Karibal  na kalaban ng mga karakter nina Bianca at Pauline ang karakter ni Kyline.

Hanggang August 3, na lang ang Kambal Karibal na tapos na siguro ang taping. Siguro, pwede nang magharap-harap sina Bianca, Pauline at Kyline para pag-usapan ang kanilang differences. Si Pau­line pa lang ang alam naming kinausap ng GMA 7 management, mas effective kung silang tatlo ang magkakaharap.

Speaking of Kyline, hindi muna siya mapapanood sa Sunday Pinasaya for three Sundays para paghandaan ang kanyang September 8, concert billed Kyline Take FL16HT sa KIA Theater.

Birthday concert ito ni Kyline na 16 years old na sa Sept. 3. Ngayon pa nga lang ay nagkakagulo na ang BiGuel fans nina Bianca at Miguel Tanfelix kung totoong guest sa concert si Miguel.

vuukle comment

MARITONI FERNANDEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with