^

Pang Movies

Pancho at Max uunahin muna ang dream house bago ang baby

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Pancho at Max uunahin muna ang dream house bago ang baby
Max & Pancho

Next year pa raw ang baby project nina Pancho Magno at Max Collins dahil inuuna raw muna nila ang makapagpatayo ng sarili nilang bahay.

 

Kaya naman hindi tumitigil ang mag-asawa na magtrabaho kahit na may pagkakataon na hindi na nila naaabutan ang isa’t isa sa bahay.

“Since we got married noong December 2017, hindi pa kami nakapagpahinga sa work.

“Parating may trabaho kaming dalawa ni Max at hindi nga kami minsan nagkikita sa bahay kasi magkaiba ang taping days namin.

“Pero Sunday is our rest day and we go to church together.

“Kaya hindi kami tumatanggap ng guesting kapag Linggo, kasi yun na lang ang araw na para sa aming da­lawa,” ngiti ni Pancho.

Sa isang townhouse nakatira ang mag-asawa at kasama pa nila rito ang sister ni Max. Kaya pinag-iipunan nila ng husto ang magkapagpatayo sila ng dream house nila.

Kasama sa telefantasya na Victor Magtanggol si Pancho kunsaan gu­maganap siya bilang ang norse god na si Modi, ang anak ni Thor na gustong bawiin ang mighty hammer o ang Mjolnir mula sa mortal na si Victor na ginagampanan ni Alden Richards.

Si Max naman ay nasa afternoon teleserye na Contessa.

“Kahit naman hindi kami nagkikita sa bahay, we make it a point to communicate.

“Kapag ako ang nasa bahay at nasa taping siya, meron namang Facetime para magkumustahan kami.

“Ang important naman sa amin is we still reach out sa isa’t isa para wala kaming nami-miss with one another,” pagtapos pa ni Pancho Magno.

Nick Jonas minadali ang kasal sa bollywood actress

Sobrang bilis ng mga pangyayari sa love story nila Nick Jonas at Bollywood actress at former Miss World Priyanka Chopra.

After two months of dating, engaged na ang dalawa agad-agad!

Napag-alaman ng E! News na nag-propose na si Nick kay Priyanka at ang singsing ay binili sa Tiffany & Co. store in London.

Ang kuwento ay pinasara raw ng singer ang Tiffany store kunsaan pumili ito ng isang diamond engagement ring para kay Priyanka.

Noong 2017 unang nagkakilala sina Nick at Priyanka via the Met Gala kung saan sabay silang naglakad sa red carpet.

Naging inseparable na raw ang dalawa after that meeting at this year lang sila nagsimulang mag-date.

Naimbitahan na ni Nick si Priyanka sa wedding ng kanyang pinsan at naipakilala na niya ito sa kanyang pamilya.

Gayun din si Priyanka na noong magbakasyon sila ni Nick sa India, pinakilala na niya ito sa kanyang pamilya.

Kaya laking gulat na pumutok ang balitang engaged na ang dalawa.

Dati nang na-link si Nick sa mga singers na sina Miley Cyrus at Selena Gomez. Naka-date rin ni Nick noon ang aktres na si Kate Hudson in 2015. Nakarelasyon din niya si Miss Universe 2012 Olivia Culpo.

vuukle comment

MAX COLLINS

PANCHO MAGNO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with